Monday, November 14, 2011

Obispo ng La Union Namayapa


Manila. November 13, 2011 - Ang Obispo ng Diosesis ng Pampanga na si Artemio Rillera, isang misyonero ng Society ng Divine Word (SVD) ay pumanaw kanina sa edad na 59.


Si obispong Rillera ay nalagutan ng hininga gawa ng atake sa hika pagkatapos ng kanyang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Seminaryo ng Banal na Puso ni Hesus sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Ang obispo ay dinala kaagad sa ospital ng Bethany sa nasabing ciudad ngunit inedeklara na itong patay noong dumating sa nasabing pagamutan sa ganap na 10:40 ng umaga.

Ang Catholic Bishop's Conference of the Philippines ay nagpahayag ng kalungkutan sa pagkawala ni Obispong Rillera na naging aktibong miembro sa loob ng 18 taon.

Isang opisyal ng CBCP ay nagpahayang ng lubhang kalungkutan sa pagkamatay ng obispo.

"Nakakagulat. Hindi ito inaasahan" pahayag ni Monsignor Pedro Quitorio, CBCP director ng media.

Ang obispong Rillera ay kilalang tagapagtaguyod ng adhikain laban sa pinagbabawal na gamot sa La union at nanguna ng ilang demonstrasyon sa kalye upang pakilusin ang mga autoridad na kumilos ukol sa suliranin ng pinagbabawal na gamot.

Noong nakaraang buwan ng Pebrero pinangunahan ng obispo ang isang rally bilang protesta sa isang pasya ng hukuman na palayain ang isang pinaghahalaan sa operasyon ng pagawaan o laboratoryo ng pinagbabawal na gamot sa Naguilan, La Union noong 2008 na makapagpiyansa sa halaga ng isang milyon.

Tinututulan ng Obispo ang desisyon ng  munisipyong Korte ng Bauang sa isang dating hepe ng pulisya ng lungsod ng Dagupan na si Dionicio Borromeo na makapagpiyansa kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan.

Noong 2009, Ang Obispong Artemio Rillera ay pinarangalan ng Saranay Award, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mamayan ng La Union na ipinagkaloob ng lalawigang Gobyerno ng La Union sa kanyang walang takot na pakikibaka laban sa ipinagbabawal na gamot at iba pang mga adhikain.

Ang obispo ay ipinanganak sa bayan ng Naguilian. Naging Pari noong Nobyembre 28, 1970. Itinalagang obispo ng Diosesis ng Bangued, Abra noong August 28, 1993. Naging obispo ng La Union noong April 1, 2005.

ShareThis

Blogs commenting Fr. Jessie's post Technorati icon

No comments:

Post a Comment