Thursday, August 16, 2012

Habagat Relief Operation

Maliban sa pagpapakain ng sopas at lugaw ang parokya ng San Agustin ay nagsamasamang tumulong sa mga nasalanta ng hanging habagat nitong buwan ng Agosto 2012. Ito po ay padala ng mga kapatid nating ma kagandahang loob mula sa La Salle Ayala. Ang mga nabigyan po rito ay ang mga mamamayan ng Bay, Laguna, Philippines nitong nakalipas ng Martes, Agosto 13, 2012. Isang libo at isang daan po ang ibinigay ng DeLa Salle Ayala, ang naibigay palang ay 920. Ang natitira ay ipamamahagi pagdating pa ng ibang mga tulong na mangagaling iba nating mga kapatid na may busilak na puso. Ang mga nabigyan po ay ang mga sumusunod. 
Central           471 Pamilya
Calo               155 Pamilya
Maitim            141 Pamilya
Sto. Domingo 153  Pamilya
kabouan         920 Pamilya
Ang Kalahati ng Sto. Domingo ay bibigyan namin kasama ng mga nasa San Antonio kapag dumating pa ang ibang mga relief. May mga natitira pang 450 na pamilya yon.
Habagat Operation August 2012


Share

No comments:

Post a Comment