Thursday, November 15, 2012

Biglaang Binyag




Pagkatapos ng tanghalian, mga bandang ala una at kalahati ng may tumawag para sa Sick Call. Kaya lang ng bumaba na ako at nagtanong na kung ilang taon na, ang sagot ay 22 araw palang. Itinanong ko ulit kung nabinyagan na. Ang sabi ay hindi pa. Hindi Pagpapahid ng Langis para sa maysakit ang kailangan nito kundi Binyag.

Kami ay nagpunta sa  Sampalucan, Masaya, Bay, Laguna. Pinangalanang Gwen Agpalo ang bata. Anak nina Liberty Sapopo at Erwin magpalo, kasal sa Simbahang Katoliko dito mismo sa Parokya ng San Agustin. Ipinanganak si Gwen noong October 22, 2012 sa Procincial hospital sa Sta. Cruz, Laguna. Kanina galing sila sa Regional Hospital sa batangas City at tinapat na sila ng doktor na hindi na tatagal ang bata sapagkat may problema sa puso at baga ang bata. Lumalaki pati ang kanyang ulo. Tinanong ko ang nanay kung siya ba ay nag pildoras o uminom noon ng pills,  sabi niya oo. Napagalaman ko rin na ang halaga ng pildoras para hindi magbuntis ay nagkakahalaga ng apatnapong piso. At ito pala ay iniinom araw araw. napakalaking pera pala ang mag pills. Siguradong malaki ang kikitain ng mga gumagawa ng pildoras kapag naaprobahan ang RH Bill. Ipanalangin nating huwag aprobahan ng senado at kongreso ang RH Bill.

Dakilang San Alberto, Ipanalangin mo Kami.


Share

No comments:

Post a Comment