Saturday, June 30, 2012

Talaan

Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng smartphone. Maraming lumalabas na mga smartphones ngayon sa palenke. Smartphones ang tawag sa mga makabagong generasyong mga telepono na may kapasidad na gamitin ito sa internet at may mga mobile applications. Apat ang pwedeng pagpalian na Smartphones. Una ang Apple, sinusundan ng Android, Pagkatapos ay Rim at panghuli ay Windows. Ito ay ang mga telepono na nabibilang sa magkakaibang sistema ng operasyon. Ang bawat isa ay may napipisil na sa tingin niya ay babagay sa kanyang pag gamit o panlasa. Ang mga nabanggit na mga uri ng smartphones ay may iba ring mga applications dahil magkakaiba ng lengguwahe nila. Dahil sa dami mg lengguwahe lumabas din ang maraming applications. kaya kung anu ang loenguahe ng telepono mo maghahanap ka ng application na magbibigay ng bagay o mga bagay na kailangan mong gamitin. Hindi lahat ng mga applications ay pwedeng gamitin sa lahat ng mga sistema ng operasyon. Mas maganda na kung maghahanap ka ng applications ay dapat kumuha ng application na pweeng gamitin sa anu mang platform. Evernote ay isa sa mganabangit na application. Isang  aparatong pang-internet na tumulong sa bawat isa na maalala ang mga puna, nota o sulat na ginawa mo o inipon mula sa mga napiling gawa ng iba na higit na kapakapakinabang sa iyo. 

Ang aplikasyon na ito ay maaring iugnay sa mgonline storage tulad ng Box, Dropbox at Google Drive.

Ang nabanggit na aplikasyon ay libre sa lahat ng platforms. Pwede itong gamitin hanggang 60 MB na laman sa loob ng isang buwan.


Share

Wednesday, June 27, 2012

Nabura

sa bagong disenyo ng Blogspot.com ay nagbigay ng panbagong pagkalito kaya nabura ang mga pictures. Sayang mga ilang taon na itong pinaghirapan. Wala tayong magagawa dahil bahagi ito ng mga pagbabago na kailangan nating harapin. Dapat nga lang na tayo rin ay may sapat na kahandaan sa mga pagbabago sapagkat napakabilis magpalit ngayong panahon. Para bagang di ka uso pagwalang pagbabago. bgat di maalis na may mga bagong mga nilalaman na siyang dahilan ng pagbabago pero kinakailangan bang baguhin ang lahat? pwede rin namang ang mga dagdag na nilalaman lamang ang ilagay lang ng hindi binabago ang lahat. Pero sabi nga ng iba binago na nga e di lahatin na. 

 Ang mga pagbabago ay isang desisyon ng mga mayari nito at wala tayong diretsong pakikipag-ugnayan at kontrol dito. Kailangan nga lang siguro na tayo ang mag-"update", ang mag-"upgrade" upang di tayo maiwanan at my sapat ayo ng kakayanan upang harapin ang ganitong mga uri ng pagbabago. nakakalungot nga lang talaga at sayang ang mga larawan na nakakabit sa mga blog posts. Pero may mga bagay na kailangan nating harapin at ipagibayuhin upang tayo ay higit na maging ganap sa pakikipag ugnayan.

Share