Thursday, December 29, 2016

Making your non Smart TV a likely Smart TV



I have just learn from my neighbor that you can make your TV a Smart TV. A Smart TV is far more expensive than a non Smart TV but there are ways that can de done without dousing out extra money or do not have the resources for the moment. There are some application that I am still trying out to make use of this new technology.

However, the basic requirement is that you have a non Smert TV that has HDMI port. You can find the port at the back of your TV. According the Wikipedia HDMI or the High Definition Multimedia Interface port first came out thirteen years ago on the late 2003. So if your TV was manufactured not necessarily bought on the late 2003 it might have a HDMI port.


Why HDMI port because it is where an another device need to be connected. Any casting device can do. There are many casting device in the market today but I am using the Chromecast 2 device.You just have to plug it on and install the application through your mobile phone or tablet using the internet connection. Yes, Any Smart TV needs internet connection.

<! AddToAny BEGIN >Share<! AddToAny END >
posted from Bloggeroid

Voices are Heard



“Share ko lang po, observe nyo rin. Nasa Bdesh po ako, pero taga San Pedro po kami. Doon po sa area namin sa Bgy. Langgam me chapel. Ang sermon po dun today ay tungkol daw sa extrajucial killing, simbahan yan at bawat papasok daw po sa loob ng church kailangan pumirma para ma impeach si DDS. Di na po tamahyang mga pari na yan nang gigil po kami sa inis ng mga kapatid ko.”

 This is a copy of the text I copied to one of the internet news outlet who are not responsible enough to clarify the issue. Although the Parish Priest of St. Peter, the Apostle in Poblacion, San Pedro City, Rev. Fr. Pablo Bugay and the Parish Priest of St. Joseph, The Patriach of Langgam, Rev. Fr. David Reyes, San Pedro City have already spoken through Radio Veritas and denied any report of signature campaign to oust President Rodrigo Duterte.

The news item was taken from a Facebook page. The text have prompted me to look deeply on our mission to deliver the Word of God to the faithful. We are not sure here if the individual concern here is a Catholic Faithful or not or has a Catholic family members or friends which is the source of his/her observation. However, someway or another we have struck some sentiments that our voices cannot be silence when we speak of the safeguarding of lives and our effort to stop the reimposition of the Death Penalty and the ongoing practice of Extra Judicial Killing. Again I invite you to read the Pastoral Letter of the Bishop of the Diocese of San Pablo concerning this matter.



Share

Against Death Penalty and Extra Judicial Killing


The Church has been a voice in the wilderness crying out against the reimposition of the Death Penalty and the blind eye of the Philippine Government on Extra Judicial Killing on its war on illegal drugs since the President Duterte assume office. Since then a lot of explanation has been voice out on the immorality of Death Penalty and Extra Judicial Killing however, I would like to share with you the pastoral letter of the San Pablo Diocese Bishop Buenaventura M. Famadico on such issue highlighting that killing fellow Filipinos is not the solution to the problem. 


Ang mga sumusunod na pangungusap ang LIHAM PASTORAL ng Lub. Kgg. Mons. Buenaventura M. Famadico, D.D., Lingkod-Obispo ng San Pablo, para sa Araw ng Pasko (2016):


Minamahal kong mga kapwa anak ng Diyos,

Ipinagdiriwang natin ngayon ang pagsilang ng Diyos na naging tao. Ang Diyos ay naging tao upang tayong mga tao ay makibahagi sa kaluwalhatian, pag-ibig, kagalakan, kapayapaan at buhay na walang hanggan ng Diyos. Yan ang dahilan kung bakit tayo’y nagsasaya.

Pero hindi lahat ay masaya. May mga kababayan tayo ngayon na malungkot dahil nawala ang mahal sa buhay. Siya ay pinatay dahil sangkot sa droga. Hindi lamang sila, ayon sa survey ngayong Disyembre, walo sa kada sampung Pilipino ang natatakot na baka siya o kakilala niya ay mamatay sa extra judicial killing. Maging ang loob ng bahay ay hindi na ligtas. Papasukin ito ng taong nagnanais pumatay. Hindi ka na rin makatitiyak na ikaw ay ipagtatanggol ng may kapangyarihan sapagkat sila mismo ay kasama rin sa mga pumapatay. Bukod sa rito, umuusad na rin sa kongreso ang panukala na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga mabibigat na krimen. Nakalulungkot ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Sa halip na ituring ang kamatayan ng kababayan bilang isang mabigat na suliranin, ang pagpatay sa kapwa Pilipino ay itinuturing na ngayon bilang solusyon. Paano magiging masaya at mapayapa ang ating kaloobaan ngayong Pasko at sa darating pang mga araw kung ang mga inihalal natin na mamuno sa bansa at ang mga may kapangyarihan ang nagsusulong ng pagpatay? Yan ba ang dahilan kung bakit natin sila inihalal? Ang panawagan natin sa kanila: Totoo na dapat sugpuin ang problema sa droga at sa mga mabibigat na krimen. Subalit mali ang pagpatay sa kanila bilang solusyon. May iba pang makataong paraan upang sila ay maparusahan at tulungang magbagong-buhay.


Ipinaaabot natin sa ating Pangulo, sa mga kinatawan sa Senado at Kongreso na tutol tayo sa extra judicial killings at ang pagbabalik ng death penalty.

Ano ang ating magagawa? Madali ang mag-protesta at magsalita. Karaniwan, naghihintay tayo na may grupo na gagawa ng solusyon para sa atin. Huwag na tayong maghintay pa at sa halip ay kumilos na. Una ay magsimula sa sarili. Kung ikaw ay gumagamit o nagtutulak ng droga, itigil mo na. Kung ang kasama mo sa bahay ay gumagamit o nagtutulak, tulungan mo na tumigil na. Tumulong ang mga kamag-anak, mga kapitbahay, mga kabaranggay. Kung hindi, ang lalapit sa kanya ay may dala nang baril at may mali silang paraan upang matigil ang problema.

Ayon sa mga nakabilanggo sa Provincial Jail sa Sta. Cruz, Laguna, tatlo ang dahilan kung bakit sila nakakulong: kahirapan, kalungkutan dala ng mabigat na problema at kawalan ng impormasyon. Ang suliraning ito ay pwedeng pagtulong-tulungan sa loob ng tahanan, ng mga magkakamag-anak, ng magkakapit-bahay, ng barangay at ng lokal na pamahalaan. Nagsisimula ang suliranin kung nararamdaman ng isang tao na siya ay nag-iisa, walang dumadamay, walang nagmamahal at walang tumutulong. Bakit pa natin hihintayin na ang mga kaanak o kabaranggay natin ay madala sa bilangguan o sa rehabilitation center, o mabaril? Ang kailangan ay pagkalinga, pakikisangkot at pakikialam.

Ang ating Simbahan ay nag-iisip din ng mga paraan upang matulungan ang mga kapatid nating nasa ganitong kalagayan. Ang paraan ng Simbahan ay may kaugnayan sa kanilang pang-espiritwal na kagalingan.

May isang pitong taong-gulang na bata na nasa bahay-ampunan. Ang kanyang ina ay kamamatay lamang noong nakaraang taon. Ang kanyang ama naman ay nasa bilangguan. Ang sabi niya, ang kaniyang mga magulang ay napakalupit. Sinasaktan siya ng kanyang ama lalo’t kung ito ay nakainom. Pero sa kabila ng lahat, ito ang sabi niya: “Mahal ko pa rin ang aking ama.” (bas. Santos, Keit Anne G. “Life lesson.” Philippine Daily Inquirer, December 20, 2016)

Sa araw ng Pasko at sa susunod pang mga araw, sa kabila ng mga karahasan at kalungkutan sa palibot natin, nananatili na ang Diyos ay kapiling natin. Huwag tayong magpadala sa pagka-makasarili, sama ng loob, paghihiganti at kawalan ng pag-asa. Totoo na hindi madali ang kinakaharap nating suliranin pero yan ang dahilan kung bakit ang Diyos ay naging tao: upang samahan tayo sa pagkalugmok sa kasalanan at kasamaan at alalayan tayo na bumangon, magmahal at kumalinga katulad ng pagmamahal ng Diyos. Nagsimula iyon sa sanggol ng isang pamilya, ang pamilya nina Jose, Maria at Jesus. Simulan din natin ang pagsusugpo sa kasamaan at krimen sa ating sariling pamilya. Ipagdasal din natin ang mga pamilya na may mabibigat na suliranin. Tulungan natin sila ayon sa ating makakaya. Yan ang diwa ng Pasko: pagkalinga, pagmamalasakit at pagpapatawaran katulad ng ginagawa ng Diyos sa atin. Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Share