Genesis 2:7-9; 3:1-7


Aklat ng Genesis 2:7-9; 3:1-7

Nilikha ng Diyós ang tao mula sa alabok,
hiningahan sa ilong,
at nagkaroon ng buhay.
Naglagay ang Panginoón ng isang halamanan sa Eden,
sa dakóng silángan,
at doon dinala ang taong kaniyáng nilalang.
Pinasibol niyá roon ang lahát ng uri ng kahoy
na nakalulugod sa paningin at masasarap ang bunga.
Sa gitna ng halamanan,
naroroon ang punong nagbibigay-buhay,
at ang punong nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Ang ahas ang pinakatuso sa lahát ng hayop na nilikha ng Panginoón.
Minsa’y tinanong nito ang babae,
“Totoo bang sinabi ng Diyós na
huwag kang kakain ng ano mang bungang- kahoy sa halamanan?"
Tumugon ang babae,
“Hindi naman!
Ipinakakain sa amin ang ano mang bunga sa halamanan,
huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon.
Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon,
mamamatay kami."
“Hindi totoo iyan,
hindi kayó mamamatay,” wika ng ahas.
“Gayon ang sabi ng Diyós,
sapagkat alam niyáng kung kakain kayó ng bunga niyon,
magkakaroon kayó ng pagkaunawa.
Kayó’y magiging parang Diyós;
malalaman ninyó ang mabuti at masama."

Napakaganda sa paningin ng babae ang punongkahoy
at sa palagay niyá’y masarap ang bunga nito.
Nabuo sa isipan niyá na mabuti ang maging marunong,
kaya’t pumitas siyá ng bunga at kumain.
Kumuha rin siyá para sa kaniyáng asawa,
at kumain din ito.
Nagkaroon nga silá ng pagkaunawa matapos kumain.
Noon nila nalamang silá’y hubad,
kaya kumuha silá ng mga dahon ng igos,
pinagtagni- tagni at ginawang panakip sa katawan.


Share

Comments