Isa sa mga binibigyan pansin ng parokya ay ang mga kinatitirikan ng mga kapilya na siyang pagaari pa nang mga parokyano. Wala namang problema ito lalo na kapang ang mga may- ari ng lupa ay mga deboto ng ating pinaniniwalaang pananampalataya. Kaya lang di rin kaila sa atin na ang mga may ari na ito ay di palaging narito magpakailanman upang subabayan na ang kanilang mga ipinagkaloob ng habambuhay, hindi natin maiaalis na darating din ang panahon na sila ay daranas ng kamatayan. Ang mga lupang ito ay pinagtatagubilin nila na magamit sa mga banal na pagdiriwang ng Misa, binyagan, kumpilan at nng iba pang mga sakramento at iba pang mga aktividades.
May mga pagkakataon na ang mga ibinigay na lupa para sa nasabing gawain ay kung minsan ay di gusto ng mga naulila kaya binabawi nila. Mga karanasan na di mahirap intindihin, naging bahagi na rin ito ng kalinangan ng mga bagong pari. sapagkat sila mismo ay mga saksi na kung saan ay binabawi. nakakalungko pero ito ay katotohanan, ito ay nakikita nating nangyayari sa mga lupa na walang pinanghahawakang dokumento na nagsasaad na ipinagkaloob na ito. Noong unang panahon ang mga matatanda ay kilalang pag sinabi niya iyon susundin iyon niya at ng kanyang mga nauulilang mga mahal sa buhay.
Dala ni sis. Lina Tulag, ang coordinator ng kapilya ni San Antonio Abad ng Bitin, Bay, Laguna, Philippines ang ilang kapirasong papel ng Deed of donation sa lupang kinatitirikan ng kapilya doon mula kay Apolonia Torres na ipinagkakaloob sa Roman Catholic Bishop of the Diocese of San Pablo.
Comments
Post a Comment