Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao
PAMBUNGAD:
Namumuno : Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Lahat : Amen
Namumuo : Isang pagbati sa inyong lahat ng naririto ngayon upang magbigay ng panalangin sa kaluluwa na kanyang lingkod na si ____________________.
MANALANGIN TAYO:
Namumuno : Ama naming manlilikha batid naming sa aming pananampalataya na ang iyong anak na si Hesukristo ay namatay at muling nabuhay upang hanguin kami sa kasalanan. Yayamang ang aming kapatid na si ____________________ ay nahimlay na may pag-asa kay kristo, loobin mo na makasama siya sa kanyang maluwalhating muling pagkabuhay. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Lahat: : Amen
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Namumuno: Pagbasa mula sa ikalawang Aklat ng Macabeo:
Noong mga araw na oyon, nagpalikom sa Judas, ang pinuno ng Israel ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at pinadala sa Jerusalem upang ihandog na pantubos ng kasalanan. Ginawa ito ni Judas sapagkat naniniwala siya sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi'y magiging kahangalan ang ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namatay na nanatiling tapat ay tatanggap ng dakilang gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkakasala ng namatay na ito ay patawarin.
Ang Salita ng Diyos
Bayan : Salamat sa Diyos
(Sumandaling Tumahimik at pagnilayan ang Salita ng Diyos. Maaring magbahanginan tayo ayon sa pinagnilaynilayan)
Dasalin ang isang Ama Namin, Aba ginoong Maria at Luwalhati.
Ama namin
Aba Ginoong Maria
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen
Papuri sa Ama / Glory Be / Gloria Patri
Papurii sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara nang sa una, ngayon at
magpakilan man. Amen
Namumuno : Manalangin tayo mga kapatid upang ang muling pagkabuhay ni Kristo ay maging muling pagkabuhay ng lahat ng tao.
Bayan : Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa at bigyan siya ng liwanag ng walang hanggan.
Namumuno : Ang lahat ng namatay na umasa na muling mabubuhay ay malugod nawang tanggapin ng Diyos. Manalangin tayo.
Bayan : Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa at bigyan siya ng liwanag ng walang hanggan.
Namumuno : Upang ang kaluluwa ng yumao nating kapatid na si, _____________ ay makasama ni kristo sa kanyang muling pagkabuhay. Manalangin tayo.
Bayan : Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa at bigyan siya ng liwanag ng walang hanggan.
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Lahat : Sa Iyong kabutihan ay pakinggan mo, Panginoon ang aming dalangin na kaawaan ang iyong lingkod na si. _________________na tinawag mo sa mundong ito at ang lahat ng yumao. Akayin sila sa pook ng liwanag at kapayapaan upang makasama siya sa piling ng iyong mga banal, alang alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.
Namumuno : Bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya, sama sama nating dasalin ang sumasampalataya.
Lahat :Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao. At sa buhay na walang hanggan. Amen.
Namumuno : Sumaatin nawa ang pagpapala ng Poong Maykapal.
Bayan : Amen
Namumuno : Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan : Amen
Comments
Post a Comment