Posts

Showing posts with the label buhay

Juan 11, 25a. 26

Image
Juan 11, 25a. 26 Pagkabuhay ako’t buhay, nabubuhay na sinumang ako’y pinananaligan ay di mapapanaigan ng kamatayan kailanman.

Juan 11, 25a at 26

Image
Juan 11, 25a at 26 Pagkabuhay ako’t buhay, nabubuhay na sinumang ako’y pinananaligan ay di magpapanaigan ng kamatayan kailanman.

Juan 6, 63k. 68k

Image
Juan 6, 63k. 68k Salita mo, Kristong mahal, Espiritung bumubuhay, nagtuturo’t umaakay sa nagnanais makamtan ang langit na walang hanggan.

Juan 4, 5-15. 19b-26. 39a. 40-42

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 4, 5-15. 19b-26. 39a. 40-42 Noong panahong iyon: Dumating si Hesus sa isang bayan sa Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Umupo si Hesus sa tabi nito, sapagkat siya’y napagod sa paglalakbay. Halos katanghaliang-tapat na noon. May isang Samaritanang dumating upang umigib. SInabi ni Hesus sa kanya, “Maari bang makiinom?” Wala noon ang kanyang mga alagad sapagkat bumili ng pagkain sa bayan. Sinabi sa kanya ng Samaritana, “Kayo’y Judio at Samaritana ako! Bakit kayo humihingi sa akin ng inumin?” Sapagkat, ‘hindi nakikitungo ang mga Judio sa mga Samaritano. Sumagot si Hesus, “Kung alam lamang ninyo kung ano ang ipinagkakaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa inyo ng inumin, marahil ay kayo ang hihingi sa kanya, at kayo nama’y bibigyan niya ng tubig na nagbibigay-buhay.” “Ginoo,” wika ng babae, “malalim ang balong ito at wala man l...

Juan 4, 42. 15

Image
Juan 4, 42. 15 Aming pinananaligang Tagapagligtas ng tanan, Panginoon, kami’y bigyan ng tubig na bumubuhay upang kami’y di mauhaw.

“Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8)

Image
Liham Pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Ukol sa Parusang Kamatayan “Pero tingnan ninyo kung paano ipinakikita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin: namatay si Kristo para sa atin noong makasalanan pa tayo.” (Roma 5:8) Ngayong Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo ayon kay San Juan ay nangungusap sa atin kung paanong ang isang Samaritana - na natagpuan kay Hesus, ang tubig na nagbibigay-buhay na matagal na niyang hinahangad- ay iniwan ang kanyang banga sa balon (Juan 4:28).Gaya ng Samaritana, ang mga Israelita na may katigasan ng puso sa Unang Pagbasa,na halos mamatay na sa matinding pagkauhaw sa disyerto,ay dinala patungo sa isang bato (Exodo 17:6). Marahil ay maaari nating isipin na ang batong ito ay si Hesus mismo na pinahirapan at pinagpakasakit sa Krus ngunit sa Kanya’y dumaloy ang tubig na nagbibigay buhay. Dahil kay Hesus, naging ganap sa Bayan ng Diyos ang pagtawid sa tigang na disyerto ng galit, kasalanan at kamataya...

Panalangin Laban sa Parusang Kamatayan

Image
Namumuno: Ama, pinagmumulan at tagapagbigay ng buhay, itinataas namin ang aming mga puso at mga hinaing sa Inyo. Tulungan N’yo kami upang bumuo ng isang lipunan na tunay na nagpapahalaga sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Ang ating itutugon: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nakararanas ng sĆ”kit at hapis dahil sa karahasan at krimen, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nagsasagawa at mga biktima ng karahasan na kapuwa nakikipagtunggali sa galit at poot na kanilang nararanasan, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa basag-basag naming sangkatauhan na iginagapos ng hangaring maghiganti, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa aming sugatang lipunan na inililigaw ng ilusyong dapat kumitil ng buhay upang ipagtanggol ito. Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang aming nagdaramdam na kalooban. Na...

Homiliya Sa Pagsisimula ng Kuwaresma 2017 ni Obispo Buenaventura

Image
Noong nakaraang taon, nagdiwang tayo ng Panahon ng Adviento na sinundan ng Panahon ng Pasko. Masaya nating ipinagdiwang ang kapanganakan ni Jesus. Ngayon nagsisimula tayo ng Panahon ng Kuwaresma. Malaki ang agwat ng kaligayahan ng Pasko at kalungkutan ng Kuwaresma. Ang totoo, ang dalawang ito ay magkadugsong at hindi magkahiwalay. Sa Pasko, ipinagdiwang natin ang kapanganakan ni Jesus bilang ating manunubos. Sa Kuwaresma isinasakatuparan na ni Jesus ang pagiging manunubos. Siyempre sa Kuwaresma naroon ang kalungkutan pero may dahilan ito. Sa kuwaresma, hinaharap natin ang katotohanan bilang tao na makasalanan. Ano ang kahulugan ng pagiging makasalanan? Malayo sa Diyos, sumuway sa Diyos, nagtakwil sa Diyos. Kung inilalayo, kung sumusuway, kung itinatakwil natin ang bukal ng lahat ng kabutihan, katotohanan, kaligayahan, pag-ibig at kapayapaan saan tayo napupunta? Sa kasamaan, kasinungalingan, sa kapighatian, sa pagkamuhi at kaguluhan. Tayo ay nahihirapan, naguguluhan, nasa...

1 Juan 5:5-13

Image
  5 Sino ang nagtata-gumpay laban sa sanlibutan? Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.                 6 Si Jesu-Cristo ang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Hindi sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.  7-8 Tatlo ang nagpapatotoo: a  ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa.  9 Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.  10 Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang Diyos ay ginagawang sinungaling ng sinumang hindi sumampalataya sa Diyos, sapagkat hindi ito naniniwala sa patotoo niya tungkol sa kanyang Anak.  11 At ito ang patotoo: ipinagkaloob...

Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao

Image
This is the prayer I have used to pray in the cemetery which I shares with my parishioners since 1999. This was been approved by the diocese of San Pablo since last March of 1999. Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao PAMBUNGAD: Namumuno : Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Lahat          : Amen Namumuo  : Isang pagbati sa inyong lahat ng naririto ngayon upang magbigay ng panalangin sa kaluluwa na kanyang lingkod na si ____________________. MANALANGIN TAYO: Namumuno  : Ama naming manlilikha batid naming sa aming pananampalataya na ang iyong anak na si Hesukristo ay namatay at muling nabuhay upang hanguin kami sa kasalanan. Yayamang ang aming kapatid na si ____________________ ay nahimlay na may pag-asa kay kristo, loobin mo na makasama siya sa kanyang maluwalhating muling pagkabuhay. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Lahat...

Juan 11:19-27

Image
Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria upang makiramay sa kanila dahil sa pagyao ng kanilang kapatid. Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito. Si Maria naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Jesus: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Subalit kahit na ngayon, alam kong anuman ang hilingin mo sa Diyos, ibibigay ito sa iyo ng Diyos.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Babangon ang kapatid mo.” Sumagot sa kanya si Marta: “Alam ko na babangon siya sa muling pagkabuhay sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ako ang muling pagkabuhay (at ang buhay). Mabubuhay ang naniniwala sa akin kahit na siya ay mamatay. Hinding-hindi mamamatay ang bawat nabubuhay sa paniniwala sa akin. Pinaniniwalaan mob a ito?” Sinabi niya sa kanya: “Opo, Panginoon. Naniniwala nga ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos na dumarating sa mundo.”

Mga Santo't Santa

Image
Sinimulan kong magpost sa sariling wika dahil sa marami na namang mga materyales tungkol sa pananampalatayang Katoliko sa wikang Ingles. Kasama na rin nito ang mag sulat ng mga buhay ng mga santo at santa. Kaya nga ninais ko rin na gumawa ng isang koleksyon ng mga nabangit na mga Santo at Santa. Maari din itong magbigay ng mas magandang pagkakataon upang lalong makilala ang mga santo at santa ng mga Pilipino.

Liham Pastoral sa Panahon ng Bagong Ebanghelisasyon

Image
Buhay Kristo, Ibahagi si Kristo Tungo sa ating Ika-Limang Daan Humayo kayo at gawin ninyong mga alagad (Mt. 28:19) Ang kapulungan ng mga obispo ng Pilipinas ay may  sulat pastoral  sa pagbalangkas ng siyam na taonng programa para sa  Bagong Evangelization  simula matapos ang Taon ng Pananampalataya: Masaya naming inaabangan ang panahon na may pasasalamat at kagalakan sa Marso 16, 2021, sa ikalimang ikasandaang taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating minamahal na lupain. Tandaan natin na may pagpapasalamat  ang unang Misa sa bantog na Isla ng Limasawa noong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31 na pinagpala taon. Ito rin ang araw ng pagbibinyag ng Raha Humabon na binigayan ng Kristiyanong pangalang Carlos at ang kanyang asawa Hara Amihan sa pangalang Juana noong 1521. Ang ating mga mata ay nakatingala sa Santo NiƱo de Cebu, ang pinakamatandang rebultong imagen sa Pilipinas, regalo ni Ferdinand Magellan sa unang Katolik...