Posts

Showing posts from November, 2026

May Kwarto Sila sa Langit

Image
Juan 14:1-6 — All Souls Day Juan 14:1-6 — "May Kwarto Sila sa Langit" Gospel na ito, hindi pang-libing lang. Pang-huling gabi ni Jesus ito. Last Supper. Alam Niya papatayin Siya kinabukasan. At ang mga alagad — gulong-gulo, takot, lito. Kaya ang unang linya, para sa kanila, pero para rin sa atin ngayon na nakatayo sa harap ng puntod:   "Huwag kayong mabalisa. Manalig kayo sa Diyos, manalig din kayo sa Akin." Sa Greek, Me tarassestho hymon he kardia — "Huwag hayaang maalog ang puso ninyo." Ang tarasso — parang tubig na hinahalo, parang lindol. Ganun ang puso natin tuwing All Souls — maalog. Lalo na pag sariwa pa. Isang taon pa lang. 40 days pa lang. At anong sagot ni Jesus? Hindi explanation. Hindi theology ng kamatayan. Kundi invitation: 1. MAY BAHAY — "Sa bahay ng Aking Ama ay maraming silid." Sa panahon ni Jesus, kapag ikakasal ang lalaki, babalik siya sa bahay ng ama niya at  agtatayo ng addition — ng kwarto para sa bagong pamilya. Kaya...

Ang ID ng mga Santo

Image
Mateo 5:1-12a — All Saints Day,  — November 1. Mateo 5:1-12a — "Ang ID ng mga Santo" Kapag All Saints Day, anong naiisip natin? Mga santo na nasa altar — nakaputing damit, may halo, hawak na palaspas, malayo, hindi maabot. Pero bakit binasa ng Simbahan ang Beatitudes sa Araw ng mga Santo? Hindi ba dapat yung mga milagro nila? Hindi ba dapat yung kabayanihan? Hindi. Binasa ang Beatitudes kasi ito ang ID, ang resume, ang mukha ng santo. At tandaan: Hindi ito 8 different kinds of saints. Ito ay 8 mukha ng iisang santo. Sa Bundok — Bagong Moises. "Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umakyat Siya sa bundok... at nagturo." Sa Mateo, kapag nasa bundok si Jesus — bagong Moises Siya. Si Moises umakyat sa Sinai para ibigay ang 10 utos — batas na nakasulat sa bato. Si Jesus umakyat sa bundok para ibigay ang 8 Beatitudes — batas na nakasulat sa puso. At ang unang salita: "Mapalad" — Makarios sa Greek, Ashre sa Hebrew — hindi "swerte." Hindi ...

Kainan na Bantayan

Image
Lucas 14:1-6 — The Dropsy Man on Sabbath ,  — Healing at a dinner that was a trap. Lucas 14:1-6 — "Kainan na Bantayan" "Isang Sabbath, pumasok si Jesus sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo upang kumain, at minamanmanan Siya." Hindi ito salo-salo — stakeout. Sa kultura ng mga Judio, ang Sabbath meal ang pinaka-sacred — after synagogue, pamilya at bisita magsasalo. Pero dito, imbitasyon na may hidden camera. Parateroumenoi — they were watching closely, sideways glance, para mahuli. At sa gitna ng mesa — may lalaking may manas — hydropikos — dropsy, edema. Ang katawan punong-puno ng tubig, maga ang paa, maga ang kamay, pero uhaw pa rin sa loob. Sa ancient medicine, sign ng kasakiman — taong punong-puno na, pero hindi pa rin nabubusog.  At hindi sinabing inimbitahan siya. Bigla na lang nandoon — idou — behold, in front of Him. Malamang planted — pinaupo ng Pariseo para i-test si Jesus: Gagamutin mo ba? Sabbath ngayon. 1. ANG KATAHIMIKAN NG MGA NANONOOD. Tinanong ...