Posts

Showing posts from September, 2020

Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan UNANG PAGBASA Job 9, 1-12. 14-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan: “Iyan ay dinig ko na noon pa mang una, ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya? Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran? Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sino kaya ang sa kanya ay makalalaban? Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog. Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig. At nauuga niya ang saligan ng daigdig. Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw, At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan. Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan, at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway. Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang, pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang. Siya’y ...

Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael

Image
UNANG PAGBASA Daniel 7, 9-10. 13-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian. Ang Salita ng Diyos. o kaya: Pahayag 12, 7-12a Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Sumiklab ang dig...

Si Arsobispo Charles John Brown ang bagong Nuncio ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas

Image
Kanina, sa ganap na ika 6:00 pm. ,Setyembre 28, oras sa Pilipinas,  ay ipinahayag na itinalaga ng Santo Papa Francisco si Arsobispo Charles John Brown bilang bagong delegado ng Vatican sa Pilipinas. Si Arsobispo Charles John ay ipinanganak sa Amerika noong Octubre 13, 1959 sa East Village, Manhattan sa lungsod ng New York . Siya ay nag-aral ng Bachelor of Arts in History sa unibersidad ng Notre Dame sa Indiana, USA, Master of  Arts sa Teologiya sa Unibersidad ng England, kumuha din siya ng MA ng Medieval Studies sa Unibersidad ng Toronto, Ontario, Canada, pumasok sa seminaryo ng Saint Joseph's Seminary sa Yonkers, USA at nakatapos ng Master of Divinity  at Doctor sa Sacramental Theology sa Pontifical University of St. Anselmo sa Roma, Italia. Charles John ay naging pari sa Arkdiocesis ng Roman Catholic Archdiocese of New York noong Mayo 13, 1989 ni cardinal John Joseph O'Connor sa Katedral ng St. Patrick sa ciudad ng New York. Siya ay naging katulong na pari sa paroky...

Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Lorenzo Ruiz UNANG PAGBASA Job 1, 6-22 Pagbasa mula sa aklat ni Job Dumating ang panahon na ang mga anghel ng Diyos ay humarap sa Panginoon, at kasama si Satanas. Tinanong ito ng Panginoon, “Ano ang gawain mo ngayon?” “Nagpaparoo’t parito sa lahat ng sulok ng daigdig,” sagot ni Satanas. “Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong uli ng Panginoon. “Wala siyang katulad sa dagidig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya’y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama,” dugtong pa ng Panginoon. Sumagot si Satanas, “Si Job kaya ay matatakot sa iyo nang walang dahilan? Bakit nga hindi siya matatakot sa iyo gayong pinagpala mo siya? Iniingatan mo pati ang kanyang sambahayan at ari-arian. Subukin mong huwag siyang pagpalain, bagkus ay sirain ang lahat niyang tinatangkilik kung di ka niya sumpain.” Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mo sa kanyang mga ari-arian, huwag mo lang siyang sasaktan.” At si Satanas ay umalis sa harapan ng Panginoon. Is...

Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 25-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko. Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot. Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay. Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi mamamatay.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 24, 4kb-5. 6-7. 8-9 Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan, ituro mo, Poon, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan. Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin. Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas, at ang kabutihang noon pa’y nahayag. Patawarin ako sa pagkakasala, sa kamalian ko nang ako’y bata pa; pagkat pag-ib...

Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Cosme at San Damian, Mga Martir Mahal na Birheng Maria ng Sabado UNANG PAGBASA Mangangaral 11, 9 – 12, 8 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang ibig mo at lahat ng nakaaakit sa paningin mo. Ngunit alamin mong lahat ng ito’y ipagsusulit mo sa Diyos. Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang lumilipas. Alalahanin mo ang lumikha sa iyo sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay. Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga bituin, bago ka lambungan ng makapal at madilim na ulap. Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawala ang lakas ng iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. Alalahanin mo nga siya bago ka mawalan ng pandinig, na halos di ...

Listahan ng Facebook Live Streaming ng mga Parokyang Nasasakupan ng Diyosesis ng San Pablo

Image
Ngayong panahon ng pandemya na dulot ng Covid-19 lalanong naging mahalaga ang pag- gamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Kaligtasa, Bagamat bago pa dumating ang Covid 19 virus ay nakita na ng Simbahan ang kahalagahan ng mga makabagong moda ng pakikipagugnayan katulad ng panlipunang komunikasyon (Social Communication). Hindi kaila na ang pagdating ng Covid 19 virus ay talagang naging matindi ang pag tulak nito dahil sa bawal ang pisikal na presensya sa mga pagpupulong at pagdiriwang ng Misa lalo na sa mga panahon ng Enhance Community Quarantine (ECQ) na talagang nagbabawal ng anu mang pagtitipon, Modified Enhance Community Quarantine (MECG), lima katao lamang ang pwedeng magsimba, General Community Quarantine (GCQ), orihinal na bilang ay sampung katao lamang ang pinapayagan sa loob ng simbahan pagkatapos naging sampung porsyento (10%), at pang huli ay Modified Community Quarantine (MGCQ) na pumapayag na limangpung porsyento (50%) sa loob ng simbahan...