Blogging Again!



Wow! Higit ng tatlong taon ang nakakalipas ng huli akong mag-post sa blog na ito. Ito ang picture ng huli kong post noong April, 2017 tungkol sa sipi ng banal na kasulatan mula kay Ezekiel. Ahh... Maraming kadahilanan na maaring hindi ko maisa-isa ipaliwanag sa inyo ni sa aking sarili dahil sa mga nakalipas na panahon. Ang akin nalang ay isang pasasalamat dahi muli akong nakabali at makakapagsulat ng aking mga iniisip, pagninilay, plano, gawain at pagkilos ngayong panahom ng covid-19. Sana noon pang March noong nagsimula ang virus na ito kaya lang sira ang aking monitor, hindi pa nakaayos ang aking computer at mahina ang internet. Ilan lang ito sa mga kadahilanan ng pagkaantala

Panalangin ko ay mayroon akong pagkakataon kahit na minsan man lamang sa loob ng isang linggo ay magkaroon ako ng pagtatala sa blog na ito. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay pa sa akin ng pagkakataon na ito.

Kung sakaling mayroon po kayong nais na ipagpaalam o anumang suggestion ay wag mahiyang mag comment sa ilalim, mula pa po noong 2017 or later date ay ginawa ko na po itong bi-lingual, taglish, english at tagalog para po sa regional at higit na ikaaalam ng mga Pilipino. Marami na rin po kasing mga blog ang nasa wikang English. 

Kailangan ding repasugin ang pinaka template at laman ng blogsite na ito sapagkat pagkatapos ng talong taon mahigit ay marami ng sites ang nawala na o nagupgrade na. yong dating free ngayon may fee na at mayroon na ling nalugi,


Katulad po halimbawa ng ustream,com ngayon ay naabsorb na ng IBM Watson Media


Ganon din po ang Flickr.com. Inabutan ko ito na may kakayahang mag lagay ng photostream. 


Photosream ay slideshow ng mga larawan na iyong pinilo na may katulad na label. Ang aking inilagay ay photostream ng ating kasalukuyang Papa Francisco pero ngayon ay hindi ko na makuha bagamat may link na kung papano kumuha ng code para ilagay sa website o blogsite pero hindi na ito gumagana. Maaring ang isang kadahilanan nito ay pagkawala ng malaking storage ng mga picture na umabot sa isang terrabyte bawat user. Noon inabot ko pa na ang bawat user at pwedeng mag lagay ng mga larawan bawat buwan hanggang 200 megabyte pero ngayo ay hanggang 1000 na larawan na lang ang pwedeng ilagay. Kung gusto mo ng higit sa isang libo ay magbabayad ka

Ito po ang ilang mga larawan na natira sa nabanggit na site.

Ito po ang nagpapakita ngayon na naghihikayat para sa Flickr Pro na may bayad bawat buwan mula sa 5.99 dolyares  ang pinakamaba.


Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik. Salamat sa Diyos!

Share

Comments