Posts

Showing posts with the label Diyos

Miyerkules ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis! UNANG PAGBASA 1 Corinto 12, 31 – 13, 13 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid: Buong taimtim ninyong nasain ang mga kaloob na lalong dakila. At ngayo’y ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti sa lahat. Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin. Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananagh...

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 12, 12-14. 27-31a Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng isang bahagi lamang. Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Kristo at bawat isa’y bahagi nito. Naglagay ang Diyos sa Simbahan, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gagawa ng mga kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga magsasalita sa iba’t ibang wika. Hindi lahat ay apostol, propeta, o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga kababalaghan, magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba’t...

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Image
UNANG PAGBASA Mikas 5, 1-4a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas Ito ang sinasabi ng Panginoon: Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin. Ang Salita ng Diyos. o kaya: Roma 8, 28-30 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma Mga kapatid: Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagk...

Banal na Misa

Image
Sinusubukan kong magpost ng facebook livestreaming na nakasave na pero nais kung magkaroon din dito ng kopya para sa mga tagasunod ko kyng kakayanin. Medyo mahirap ang pag eedit ng html codes, medyo matagal ng napahinto tulad ng matagal ng hindi na rin nakakapag blog, Hintayin natin at baka naman nagaadjust pa ang connections ng codes between blogger at facebook.   <div class = "fb-video" data-href = "https://www.facebook.com/frjessie/videos/10160228588696258" data-show-text = "true" data-width = "" ><blockquote cite = "https://developers.facebook.com/frjessie/videos/10160228588696258/" class = "fb-xfbml-parse-ignore" ><a href = "https://developers.facebook.com/frjessie/videos/10160228588696258/" ></a><p></p> Posted by <a href = "https://www.facebook.com/frjessie" > Jessie Somosierra </a> on Tuesday, September 1, 2020 </blockquote></div>...

Blogging Again!

Image
Wow! Higit ng tatlong taon ang nakakalipas ng huli akong mag-post sa blog na ito. Ito ang picture ng huli kong post noong April, 2017 tungkol sa sipi ng banal na kasulatan mula kay Ezekiel. Ahh... Maraming kadahilanan na maaring hindi ko maisa-isa ipaliwanag sa inyo ni sa aking sarili dahil sa mga nakalipas na panahon. Ang akin nalang ay isang pasasalamat dahi muli akong nakabali at makakapagsulat ng aking mga iniisip, pagninilay, plano, gawain at pagkilos ngayong panahom ng covid-19. Sana noon pang March noong nagsimula ang virus na ito kaya lang sira ang aking monitor, hindi pa nakaayos ang aking computer at mahina ang internet. Ilan lang ito sa mga kadahilanan ng pagkaantala Panalangin ko ay mayroon akong pagkakataon kahit na minsan man lamang sa loob ng isang linggo ay magkaroon ako ng pagtatala sa blog na ito. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay pa sa akin ng pagkakataon na ito. Kung sakaling mayroon po kayong nais na ipagpaalam o anumang suggestion ay wag mahiyang...

Ezekiel 37, 12-14

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel 37, 12-14 Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos: “Magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako ang Panginoon. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayun, malalaman ninyo na akong Panginoon ang nagsabi nito at aking gagawin.”

Juan 11, 3-7. 17. 20-27. 33b-45

Image
Juan 11, 3-7. 17. 20-27. 33b-45 Noong panahong iyon: Nagpasabi kay Hesus ang mga kapatid na babae ni Lazaro, “Panginoon, ang kaibigan mong minamahal ay may sakit.” Ngunit nang marinig ito ni Hesus ay sinabi niya, “Hindi magwawakas sa kamatayan ang sakit na ito. Nangyari ito upang maparangalan ang Diyos at sa pamamagitan nito’y maparangalan ang Anak ng Diyos.” Mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro. Gayunma’y pinaraan pa niya ang dalawang araw matapos mabalitaang may sakit si Lazaro bago sinabi sa kanyang mga alagad, “Magbalik tayo sa Judea.” Pagdating ni Hesus, nalaman niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro. Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito; ngunit si Maria’y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngunit nalalaman kong kahit ngayo’y ibibigay sa iyon ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” wika ni Hesus. Sumago...

Lucas 8, 15

Image
Lucas 8, 15 Mapalad ang nag-iingat sa kanyang pusong matapat sa Salitang nagbubuhat sa Poong D’yos ng liwanag, sa t’yaga’y aaning ganap.

Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12

Image
Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12 Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa ‘yo’y lubos. Panginoon, aking Diyos, sa iyo ko natagpuan yaong aking minimithi at hangad na kaligtasan; iligtas mo sana ako, sa pag-usig ng kaaway, tinutugis nila ako, hindi sila naglulubay. Kapag ako ay inabot, sila’y leon ang katulad, tatangayin nila ako, sa malayo itatakas; at kung ito ang mangyaru, pihong walang magliligtas, dudurugin nila akom luluraying walang habag. Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa ‘yo’y lubos. Humatol ka sa panig ko yamang ako’y di masama. Pigilin ang di matuwid sa kanilang mga gawa, yaon namang mabubuti ay bigyan ng gantimpala; yamang ikaw, Panginoon, ay ang Diyos na dakila, at sa iyo ay di lingid ang laman ng puso’t diwa. Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa ‘yo’y lubos. Ikaw rin po, Panginoon, ang sa aki’y nag-iingat, ang lahat ng masunurin sa iyo ay naliligtas; ikaw ang Diyos na matuwid, isang Hukom na matapat, laging handang magparusa...

Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Image
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23 Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Nililipol ng Diyos yaong masasama hanggang sa mapawi sa isip ng madla. Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib. Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Tumutulong siya sa nasisiphayo ang walang pag-asa’y hindi binibigo. Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong Poon, agad maiibsan. Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto’y hindi magagalaw. Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas, sa napakukupkop, siyang mag-iingat! Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo.

Karunungan 2, 1a. 12-22

Image
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan 2, 1a. 12-22 Sinabi ng masasama: “Tambangan natin ang taong matuwid, pagkat hadlang sila sa ating mga balak; ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan, at sinasabing tayo’y nagkasala laban sa ating kaugalian. Ipinamamarali nilang nakikilala nila ang Diyos, at sinasabing sila’y anak ng Panginoon. Sila ang nagbibigay sa atin ng mga problema. Makita lang natin sila’y balisa na tayo, pagkat kaiba ang gawain nila’t pamumuhay. Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa, at nandidiri sila sa ating gawain; sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid, at ipinagmamagaling na sila’y anak ng Diyos. Tingnan natin kung ang salita nila’y magkakatotoo, kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila. Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway. Subukin natin silang dustain at pahirapan, upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kagandahang-asal, at kung hanggang k...

Juan 5, 31-47

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 31-47 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, huwag ninyong tanggapin, ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patoto ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya. At ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, at nakita ang kanyang anyo. Walang pitak sa inyong puso ang kanyang salita, sapagkat hindi kayo nananalig sa akin na sinugo niya. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan...

Juan 3, 16

Image
Juan 3, 16 Pag-ibig sa sanlibutan ng D’yos ay gayun na lamang, kanyang Anak ibinigay upang mabuhay kailanman ang nananalig na tunay.

Juan 5, 17-30

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 5, 17-30 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ang aking Ama’y patuloy sa paggawa, at gayun din ako.” Lalong pinagsikapan ng mga Judio na patayin siya sapagkat nilabag na niya ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga ay sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayo’y ipinapantay ang sarili sa Diyos. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang ginagawa lamang niya’y ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak, at ipinakikita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya. At higit pa sa mga ito ang mga gawang ipakikita sa kanya ng Ama at manggigilalas kayo. Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayun din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. Hindi humahatol kaninuman ang Ama. Ibinigay niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parang...

Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18

Image
Salmo 144, 8-9. 13kd-14. 17-18 Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag, banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas. Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingi niya ay mamamalagi. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat, ang kanyang ginawa kahit na ano ito ay mabuting lahat. Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa. Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo. Tugon: Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag.

Salmo 50, 12a. 14a

Image
Salmo 50, 12a. 14a D’yos ko, sa aki’y igawad loobing tunay na tapat; puso ko’y gawin mong wagas nang manauli ang galak bunga ng ‘yong pagliligtas.

Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9

Image
Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9 Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan; di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok mabuwal. Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo’y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lungsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika’y hahanga! Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan.

Juan 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38 Noong panahong iyon: Sa paglalakad ni Hesus ay may nakita siyang isang lalaking ipinanganak na bulag. At si Hesus ay lumura sa lupa at gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe.” “Maghilamos ka roon.” Gayon nga ang ginawa ng bulag at nang magbalik ay nakakita na. Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siya’y namamalimos pa, “Hindi ba iyan ang lalaking dating nagpapalimos?” Sumagot ang ilan, “Iyan nga!” “Hindi! Kamukha lang,” wika naman ng iba. At sumagot ang lalaki, “Ako nga po iyon.” Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag. Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at padilatin ang bulag. Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako pagkatapos, at ngayo’y nakakita na ako.” Ang sabi ng Hari s...

Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Image
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang. Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan, at inaakay niya ako sa tahimik na batisan, binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay. Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan, hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay; ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang, ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway; nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan, sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay; doon ako sa t...

Roma 8, 8-11

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 8, 8-11 Mga kapatid: Ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Kristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Kristo. Ngunit kung nasa inyo si Kristo, bagamat patay na ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, buhay naman ang inyong espiritu dahil sa pinawalang-sala na kayo. Kung nananahan a inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang mulang bumuay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.