Posts

Showing posts with the label Panalangin

Panalangin sa Panahon ng Paglikha 2020

Image
Itinalaga ng Federation of Asian Bishop Conference ang pagdiriwang sa taong iyo ng Panahon ng Paglikha mula September 1 hanggang Oktubre 4 ng kasalukuyang taon. Kaakibat nito nais kong ibahagi sa inyo ang pagsasalin ko sa sariling wika ng Panalangin sa Panahon ng Paglika 2020. Lumikha ng Buhay,  Sa iyong salita, ang Daigdig ay naglabas ng mga halaman na nagbubunga ng mga binhi at mga puno ng bawat uri na namumunga. Ang mga ilog, bundok, mineral, dagat at kagubatan ay nagtaguyod ng buhay. Ang mga mata ng lahat ay tumingin sa Iyo upang masiyahan ang pangangailangan ng bawat nabubuhay na bagay. At sa buong panahon, ang Daigdig ay nagpapanatili ng buhay. Sa pamamagitan ng pag-ikot ng planeta ng mga araw at panahon, pagbago at paglago, binubuksan mo ang iyong kamay upang bigyan ang mga nilalang ng aming pagkain sa tamang oras. Sa iyong Karunungan, nagbigay ka ng isang Araw ng Pamamahinga; isang pinagpalang panahon upang magpahinga bilang pasasalamat sa lahat ng iyong ibinigay; isang p...

Blogging Again!

Image
Wow! Higit ng tatlong taon ang nakakalipas ng huli akong mag-post sa blog na ito. Ito ang picture ng huli kong post noong April, 2017 tungkol sa sipi ng banal na kasulatan mula kay Ezekiel. Ahh... Maraming kadahilanan na maaring hindi ko maisa-isa ipaliwanag sa inyo ni sa aking sarili dahil sa mga nakalipas na panahon. Ang akin nalang ay isang pasasalamat dahi muli akong nakabali at makakapagsulat ng aking mga iniisip, pagninilay, plano, gawain at pagkilos ngayong panahom ng covid-19. Sana noon pang March noong nagsimula ang virus na ito kaya lang sira ang aking monitor, hindi pa nakaayos ang aking computer at mahina ang internet. Ilan lang ito sa mga kadahilanan ng pagkaantala Panalangin ko ay mayroon akong pagkakataon kahit na minsan man lamang sa loob ng isang linggo ay magkaroon ako ng pagtatala sa blog na ito. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay pa sa akin ng pagkakataon na ito. Kung sakaling mayroon po kayong nais na ipagpaalam o anumang suggestion ay wag mahiyang...

Panalangin sa Taon ng Parokya

Image
Diyos na bukal ng kabutihan, salamat sa handog mong pagpapanibago, sa pagkakaloob ng mga munting sambayanang  Kristiyano, bilang lugar at pagkakataon upang maisabuhay ng makahulugan ang aming pananampalataya. Nagsusumamo kami na pagkalooban ng higit na alab ng kalooban sa pagsususlong ng munting sambayanang  Kristiyano na magbibigay ng bagong sigla sa pagpapanibago ng aming pamilya, kapitbahayan, at parokya. Kami nawa’y maging tunay na asin na magpapanatili ng pananampalataya, ilaw na nagbibigay ng liwanag sa aming misyon, at lebadura na magpapa-alsa ng pakikilahok. Ito ay aming samo’t dalangin sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Panalangin Laban sa Parusang Kamatayan

Image
Namumuno: Ama, pinagmumulan at tagapagbigay ng buhay, itinataas namin ang aming mga puso at mga hinaing sa Inyo. Tulungan N’yo kami upang bumuo ng isang lipunan na tunay na nagpapahalaga sa buhay sa lahat ng pagkakataon. Ang ating itutugon: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nakararanas ng sákit at hapis dahil sa karahasan at krimen, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa mga nagsasagawa at mga biktima ng karahasan na kapuwa nakikipagtunggali sa galit at poot na kanilang nararanasan, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa basag-basag naming sangkatauhan na iginagapos ng hangaring maghiganti, Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang nagdaramdam naming kalooban. Para sa aming sugatang lipunan na inililigaw ng ilusyong dapat kumitil ng buhay upang ipagtanggol ito. Lahat: Panginoon, hilumin N’yo ang aming nagdaramdam na kalooban. Na...

Panalangin Pagkatapos ng halalan

Image

Panalangin sa Paghahanda sa Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis ng San Pablo

Image
Bishop Buenaventura Famadico had decided that due to many prayers parish churches prays during the mass, the parishes within the diocese will use the prayer in preparation for the golden Jubilee to give importance to the preparation for the said event before the Post Communion prayer. Other prayers like that for the coming of the Pope this coming January can be prayed before or after the Mass.  Ama namin sa langit sa pasimula pa tinawag mo na ang lahat ng tao upang matamo ang iyong katotohanan. Sa pamamagitan ng halimbawa ng iyong Anak, di mabilang na mga lalaki at babae ang tinalikuran ang lahat para sa Kaharian ng Diyos. Sa Perlas ng Silangan itinatag mo ang isang lalawigan na hindi lamang naging duyan ng mga bayani bagkus nabiyayaan ng isang buhay na Simbahan na nakatalagang magsiwalat ng iyong liwanag sa lahat ng taong may mabuting kalooban. Ipagkaloob mo ang panibagong pagbubuhos ng kapangyarihan ng iyong Espiritu sa lahat ng mananampala...

Panalangin ng Katekista

Image
Baon ang iyong pangako sa akin, nagpapasalamat ako sa iyo Panginoong Hesus na ako ay isang Katekista. Walang katumbas nakaligayahan ang hatid nito sa akin. Tinawag mo ako sa isang pagbabago ng puso at isipan. Tinuruan mo akong pagtibayin ang aking pananampalataya at pinagkatiwalaang manatiling kagaya ng dati o mapalagoang sarili. Panginoon Hesus napinakadakila at mapagmahal na guro, biniyayaan mo ako ng isang bokasyong nagbibigay daan sa aking pumili. ...pumiling ibahagi ang aking mga kaalaman at karanasan upang matutunan ang mga murang isipan  ...pumiling lumago ang isipan, lakas,pagkamalikhain, at pagiging masayahin. ...pumiling maging masunurin, masikap at hindi nagpapahila sa katamaran at pagwawalang bahala. ...pumiling palaguin ang sarili upang makagamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo.  ...pumiling maging pasensyoso, maunawain at matulungin lalong lalo na sa mga batang nahihirapang umunawa  ...pumiling mahalin hindi lamang ang mga magagaling at...

Pagtatalaga ng Pamilya sa Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose

Image
Post by Jessie Somosierra . O Hesus na aming Panginoon at Mananakop, masdan Mo ang aking pamilya na naninikluhod sa Iyong banal na harapan at sa bayan ng Diyos. Itinatalaga namin sa Iyo ang aming sarili, maging sa kahirapan at kasaganaan, kalungkutan at kagalakan. Hinihiling namin na ang aming tahanan ay maging dambana ng kapayapaan, pagmamahalan at pananampalataya. O Diyos, ibinibigay Mong huwaran sa amin ang Banal na Pamilya ng Nasaret. Loobin momg masunod ng aming pamilya ang pagmamahalan at banal na pamumuhay upang matamo namin ang ligaya at gantimpalang walang hanggan sa langit. O Maria, mapagmahal na ina ni Hesus, ikaw ay inangkin naming ina rin. Kung paanong inalagaan mo si Hesus hanggang sa Siya ay lumaki sa dunong at biyaya, gayon dn naman, hinihiling ng aming pamilya na kami ay idalangin sa lahat ng sandali ng aming buhay. O Jose, butihing ama, tagapangalaga nina Hesus at Maria, tulungan mo po kaming manalangin sa lahat ng aming mga kahilingan at...

Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao

Image
This is the prayer I have used to pray in the cemetery which I shares with my parishioners since 1999. This was been approved by the diocese of San Pablo since last March of 1999. Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao PAMBUNGAD: Namumuno : Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Lahat          : Amen Namumuo  : Isang pagbati sa inyong lahat ng naririto ngayon upang magbigay ng panalangin sa kaluluwa na kanyang lingkod na si ____________________. MANALANGIN TAYO: Namumuno  : Ama naming manlilikha batid naming sa aming pananampalataya na ang iyong anak na si Hesukristo ay namatay at muling nabuhay upang hanguin kami sa kasalanan. Yayamang ang aming kapatid na si ____________________ ay nahimlay na may pag-asa kay kristo, loobin mo na makasama siya sa kanyang maluwalhating muling pagkabuhay. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Lahat...