Baon ang iyong pangako sa akin, nagpapasalamat ako sa iyo Panginoong Hesus na ako ay isang Katekista. Walang katumbas nakaligayahan ang hatid nito sa akin. Tinawag mo ako sa isang pagbabago ng puso at isipan. Tinuruan mo akong pagtibayin ang aking pananampalataya at pinagkatiwalaang manatiling kagaya ng dati o mapalagoang sarili. Panginoon Hesus napinakadakila at mapagmahal na guro, biniyayaan mo ako ng isang bokasyong nagbibigay daan sa aking pumili.
...pumiling ibahagi ang aking mga kaalaman at karanasan upang matutunan ang mga murang isipan
...pumiling lumago ang isipan, lakas,pagkamalikhain, at pagiging masayahin.
...pumiling maging masunurin, masikap at hindi nagpapahila sa katamaran at pagwawalang bahala.
...pumiling palaguin ang sarili upang makagamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo.
...pumiling maging pasensyoso, maunawain at matulungin lalong lalo na sa mga batang nahihirapang umunawa
...pumiling mahalin hindi lamang ang mga magagaling at malalakas kung hindi pati na rin ang mga mahihina at naliligaw ng landas.
...pumiling maging ehemplong walang bahid na magpakitang tao kahit hindi perpekto
...pumiling matanggap ang mga kakulangan at kahinaan nang may mapagpakumbabang puso at isipan
...pumiling hanapin ang dakilang layunin sa atin ng Panginoon nang may positibong pananaw at pag-asa dahil ipinagkitiwala mo sa aming mga kamay ang mga nilikha mong malapit sa Iyong puso – ang mga bata.
Taas noo kong sasabihin na ako ay isang Katekista.
Maraming salamat po sa pag-akay sa akin na maging isang Katekista. Higit salahat, nagpapasalamat ako sa Iyo Panginoong Hesus, ang pinakadakilang guro.
Salamat sa buhay na ito.Salamat sa gabay at kalinga mo. Amen.
Comments
Post a Comment