Posts

Showing posts with the label bata

Homiliya Sa Pagsisimula ng Kuwaresma 2017 ni Obispo Buenaventura

Image
Noong nakaraang taon, nagdiwang tayo ng Panahon ng Adviento na sinundan ng Panahon ng Pasko. Masaya nating ipinagdiwang ang kapanganakan ni Jesus. Ngayon nagsisimula tayo ng Panahon ng Kuwaresma. Malaki ang agwat ng kaligayahan ng Pasko at kalungkutan ng Kuwaresma. Ang totoo, ang dalawang ito ay magkadugsong at hindi magkahiwalay. Sa Pasko, ipinagdiwang natin ang kapanganakan ni Jesus bilang ating manunubos. Sa Kuwaresma isinasakatuparan na ni Jesus ang pagiging manunubos. Siyempre sa Kuwaresma naroon ang kalungkutan pero may dahilan ito. Sa kuwaresma, hinaharap natin ang katotohanan bilang tao na makasalanan. Ano ang kahulugan ng pagiging makasalanan? Malayo sa Diyos, sumuway sa Diyos, nagtakwil sa Diyos. Kung inilalayo, kung sumusuway, kung itinatakwil natin ang bukal ng lahat ng kabutihan, katotohanan, kaligayahan, pag-ibig at kapayapaan saan tayo napupunta? Sa kasamaan, kasinungalingan, sa kapighatian, sa pagkamuhi at kaguluhan. Tayo ay nahihirapan, naguguluhan, nasa...

Panalangin ng Katekista

Image
Baon ang iyong pangako sa akin, nagpapasalamat ako sa iyo Panginoong Hesus na ako ay isang Katekista. Walang katumbas nakaligayahan ang hatid nito sa akin. Tinawag mo ako sa isang pagbabago ng puso at isipan. Tinuruan mo akong pagtibayin ang aking pananampalataya at pinagkatiwalaang manatiling kagaya ng dati o mapalagoang sarili. Panginoon Hesus napinakadakila at mapagmahal na guro, biniyayaan mo ako ng isang bokasyong nagbibigay daan sa aking pumili. ...pumiling ibahagi ang aking mga kaalaman at karanasan upang matutunan ang mga murang isipan  ...pumiling lumago ang isipan, lakas,pagkamalikhain, at pagiging masayahin. ...pumiling maging masunurin, masikap at hindi nagpapahila sa katamaran at pagwawalang bahala. ...pumiling palaguin ang sarili upang makagamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo.  ...pumiling maging pasensyoso, maunawain at matulungin lalong lalo na sa mga batang nahihirapang umunawa  ...pumiling mahalin hindi lamang ang mga magagaling at...

Maputi

Image
Gawing puti ang likod ng blog. Mahirap basahin ang letra kapag ang likod ay itim kahit na kung ay letra ay puti. Ito ay minungkahi ng isang mambabasa ng blog na ito. Tama nga naman, may kahirapan na basahin ito kahit na ang letra ay puti. Maari siguro kung bata bata ang magbabasa nito ngunit hindi ito maaring basahin ng isang Matanda. Kaya ginawan ng paraan na mailagay ang nasabing blog sa nasabing panukala. Ito ang source code na ginamit upang maari ring magamit ng iba pa. css of priest                                                                                             Malaking tulong din ang Html Color picker na ito. Ganun din ang Css Color Hex Value  

Linggo - Enero 8, 2012, Epifania ng Panginoon

Image
Linggo - Enero 8, 2012 Epifania ng Panginoon Unang Pagbasa Isaias 60:1-6 Ang Magandang Kasasapitan ng Jerusalem 1 Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. 2 Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. 3 Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat. 4 Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo; manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki; ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata. 5 Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa. 6 Darating ang maraming pangkat ng kamelyo mula sa Midian at Efa; buhat sa Seba ay darating silang may dal...