Posts

Showing posts with the label masunurin

Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Image
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog, bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan, maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos? At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod? Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at hi ayaw na tanggapin yaong aking mga utos. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana, kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa; ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan upang inyong maunawa ang ginawang kamalian. Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain, ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Panalangin ng Katekista

Image
Baon ang iyong pangako sa akin, nagpapasalamat ako sa iyo Panginoong Hesus na ako ay isang Katekista. Walang katumbas nakaligayahan ang hatid nito sa akin. Tinawag mo ako sa isang pagbabago ng puso at isipan. Tinuruan mo akong pagtibayin ang aking pananampalataya at pinagkatiwalaang manatiling kagaya ng dati o mapalagoang sarili. Panginoon Hesus napinakadakila at mapagmahal na guro, biniyayaan mo ako ng isang bokasyong nagbibigay daan sa aking pumili. ...pumiling ibahagi ang aking mga kaalaman at karanasan upang matutunan ang mga murang isipan  ...pumiling lumago ang isipan, lakas,pagkamalikhain, at pagiging masayahin. ...pumiling maging masunurin, masikap at hindi nagpapahila sa katamaran at pagwawalang bahala. ...pumiling palaguin ang sarili upang makagamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo.  ...pumiling maging pasensyoso, maunawain at matulungin lalong lalo na sa mga batang nahihirapang umunawa  ...pumiling mahalin hindi lamang ang mga magagaling at...

Panalangin Kay san Antonio, Abad

Image
Ito ay matagal ng hiling ng mga mananampalataya ng Brgy. Bitin. ngayon lang talagnag ipinahintulot ng Diyos na ito ay mabuo.Salamat sa Diyos na Panginoon at Tagapagligtas. Matagal na itong nasimulan pero di matapos ng manunulat. Iba nga ang pamamaraan ng Diyos. Panalangin Kay san Antonio, Abad O Masunuring San Antonio, Abad na dagliang tumugon sa panawagan ng Ebanghelyo para sa kabanalan. Ninais mo na sa pamamagitan ng Iyong paglaan ng panahon ng katahimikan at panalangin sa disyerto ay maging mabuting huwaran ka ng mga mananampalatayang nag-aalay ng panalangin upang lalong mapalapit sa makapangyarihang Diyos Ama. Nag-alay ka ng iyong sarili upang makatulad ka sa panginoong Jesus na naghahandog upang ang sangkatauhan ay patuloy na magkamit ng kaligtasan laban sa kasamaan, sa tawag ng kasalanan at katamaran. Pagalingin mo kami sa lahat ng uri ng karamdaman lalo na sa balat ng aming katawan. Sa tulong ng Espiritu Santo, Samahan mo kami na maramdaman namin a...