Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23
Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.
Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot,
at hi ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Comments
Post a Comment