Posts

Showing posts with the label pasasalamat

Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Image
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang. siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang, mga tupa tayong inaalagaan. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Ang kanyang salita ay ating pakinggan: “Iyang inyong puso’y huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa. Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang, bagamat nakita ang aking ginawang sila’ng nakinabang.” Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin.

Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Image
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog, bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan, maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos? At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod? Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at hi ayaw na tanggapin yaong aking mga utos. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana, kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa; ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan upang inyong maunawa ang ginawang kamalian. Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain, ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8

Image
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyulo at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat, ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap.

Lukas 4:14-22

Image
Nagbalik si Jesus sa Galilea na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap sa buong kapaligiran ang balita tungkol sa kanya. Kinaugalian niyang magturo sa kanilang mga sinagoga, at pinupuri siya lahat. Pagdating niya sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para basahin ang Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Sa paglaladlad niya sa rolyo, natagpuan niya ang lugar kung saan nasusulat: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ihayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang ihayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang-ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.” Binilot ni Jesus ang aklat, ibinigay ito sa tagapaglingkod at naupo. At nakatuon sa kanya ang mga mata ng lahat ng nas...

Misa Pasasalamat

Image
Kahit na sa gitna ng lakas ng ulan na dala ng bagyong si Ofel, natuloy ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Sitio Kabaritan ng Santo Domingo, Bay, Laguna bilang pasasalamat sa pag urong ng tubig dulot ng baha ng hanging habagat mula noong unang linggo ng Agosto. nagsiuwian na ang lahat ng mga evacuess ng Sto. Dominggo bagamat may pangamba na baka bumalik ng tubig gawa ng matinding ulan dala ng hangin ni Ofel na magtatagal hanggang bukas ng gabi. Ang Misa ay isang pasasalamat ng pagalis ng tubig na siyang tumigil sa mga bahat ng mga mananampalataya sa loob ng tatlong buwan. Isa rin itong panalangin ng boung pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na may kapangyarihan ng higit kaysa sa mapanirang  kapangyariha ng  kalikasan.

Panalangin sa Araw ng Pasasalamat

Image
Panginoon, nagpapasalamat kami sa Iyo. sa kagandahang loob ng sangkatauhan at sa espiritu ng katarungan nanamayani sa bansang ito. Nagpapasalamat ako sa Iyo sa kagandahan at kaganapan ng lupain at mga hamon ng mga lungsod. Nagpapasalamat kami sa Iyo sa trabaho at pahinga sa isat'isa at sa aming mga tahanan Nagpapasalamat kami sa Iyo, Panginoon: Tangapin mo ang aming Pasasalamat sa araw na ito R: Amen. _______ Isinalin mula sa wikang Ingles ni Rev. Fr. Jessie G. Somosierra English version