Kahit na sa gitna ng lakas ng ulan na dala ng bagyong si Ofel, natuloy ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Sitio Kabaritan ng Santo Domingo, Bay, Laguna bilang pasasalamat sa pag urong ng tubig dulot ng baha ng hanging habagat mula noong unang linggo ng Agosto. nagsiuwian na ang lahat ng mga evacuess ng Sto. Dominggo bagamat may pangamba na baka bumalik ng tubig gawa ng matinding ulan dala ng hangin ni Ofel na magtatagal hanggang bukas ng gabi.
Ang Misa ay isang pasasalamat ng pagalis ng tubig na siyang tumigil sa mga bahat ng mga mananampalataya sa loob ng tatlong buwan. Isa rin itong panalangin ng boung pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na may kapangyarihan ng higit kaysa sa mapanirang kapangyariha ng kalikasan.
Comments
Post a Comment