Posts

Showing posts with the label tatlo

Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 10, 14-22 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga pinakamamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyusan. Ganito ang sinasabi ko sa inyo, sapagkat kayo’y matatalino; kayo na ang humatol. Hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay. Tingnan ninyo ang bansang Israel: hindi ba’t ang mga kumakain ng mga handog ay nakikiisa sa ginagawa sa dambana? Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang may kabuluhan ang diyus-diyusan o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan? Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano’y naghahandog ng kanilang hain sa mga demonyo, hindi sa Diyos, at ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo. Hindi kayo makaiinom...

Biyernes na Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, ako’y may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat ito’y ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral. Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako na lalong marami. Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan. Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang makibahagi ako sa mga pagpapala nito. Alam ninyo na ang mga kasali sa takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit is...

Misa Pasasalamat

Image
Kahit na sa gitna ng lakas ng ulan na dala ng bagyong si Ofel, natuloy ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Sitio Kabaritan ng Santo Domingo, Bay, Laguna bilang pasasalamat sa pag urong ng tubig dulot ng baha ng hanging habagat mula noong unang linggo ng Agosto. nagsiuwian na ang lahat ng mga evacuess ng Sto. Dominggo bagamat may pangamba na baka bumalik ng tubig gawa ng matinding ulan dala ng hangin ni Ofel na magtatagal hanggang bukas ng gabi. Ang Misa ay isang pasasalamat ng pagalis ng tubig na siyang tumigil sa mga bahat ng mga mananampalataya sa loob ng tatlong buwan. Isa rin itong panalangin ng boung pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na may kapangyarihan ng higit kaysa sa mapanirang  kapangyariha ng  kalikasan.

Linggo - Enero 8, 2012, Epifania ng Panginoon

Image
Linggo - Enero 8, 2012 Epifania ng Panginoon Unang Pagbasa Isaias 60:1-6 Ang Magandang Kasasapitan ng Jerusalem 1 Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. 2 Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. 3 Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat. 4 Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo; manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki; ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata. 5 Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa. 6 Darating ang maraming pangkat ng kamelyo mula sa Midian at Efa; buhat sa Seba ay darating silang may dal...