Posts

Showing posts with the label Santo

Mateo 1, 16. 18-21. 24a

Image
Mateo 1, 16. 18-21. 24a Si Jacob, ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo. Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose na nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon.

Kumpilan 2012

Image
Tayo po ay nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa patuloy niyang pag gabay sa atin upang lumago sa ating Pananampalataya. Taon-taon pinagsusumikapan nating mapaghandaan at maihanda ang mga bata na tatangggap ng Banal na Sakramento ng Kumpil upang gabayan sila ng espiritu Santo sa kanilang mga desisyon sa pagtahak nila sa buhay na ito. Ang mga kinukumpilan ay inihahanda ng mga katekista sapamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga bagay na dapat nilang malaman bilang mga mabubuting ananampalatayang Katoliko. Sinasanay sa panalangin at pag gawa ng mga bagay na kalugod lugod sa Diyos. Kinukumpisal ko sila bago tumanggap ng nabanggit na Sakramento. Ang Obispo ang nagkukumopil sa kanila. Ang kagalang-galang na obispo Leo M. Drona ang nagkumpil sa kanila. Nangyari ito noong Agosto 19, 2012 sa ganap na ika 2 ng hapon sa Parokya ni San Agustin, Bay, Laguna, Philippines. Ang kinumpilan ay ang mga may edad ng 12 pataas na may bilang na 248. kumpilan 2012 - how to create a free...

Misa Pasasalamat

Image
Kahit na sa gitna ng lakas ng ulan na dala ng bagyong si Ofel, natuloy ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Sitio Kabaritan ng Santo Domingo, Bay, Laguna bilang pasasalamat sa pag urong ng tubig dulot ng baha ng hanging habagat mula noong unang linggo ng Agosto. nagsiuwian na ang lahat ng mga evacuess ng Sto. Dominggo bagamat may pangamba na baka bumalik ng tubig gawa ng matinding ulan dala ng hangin ni Ofel na magtatagal hanggang bukas ng gabi. Ang Misa ay isang pasasalamat ng pagalis ng tubig na siyang tumigil sa mga bahat ng mga mananampalataya sa loob ng tatlong buwan. Isa rin itong panalangin ng boung pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na may kapangyarihan ng higit kaysa sa mapanirang  kapangyariha ng  kalikasan.

Mga bagong Santo at Santa ng Simbahang Katoliko

Image
Sa darating na Oktubre 21, pormal na itatalaga ng Simbahang Katoliko sa pamumuno ng Santo Papa Benito o Benedikto XVI sa Basilika ni San Pedro ang 7 bagong mga Santo at Santa.2 Santo at 5 Santa Santa Carmen Salles Y Barugueras Santa Kateri Tekakwitha San Jacques Berthieu San Pedro Calungsod Santa Marianne Cope ng Molokai Santa Anna Schaffer San Giovanni Batista Piamarta 

Mga Santo't Santa

Image
Sinimulan kong magpost sa sariling wika dahil sa marami na namang mga materyales tungkol sa pananampalatayang Katoliko sa wikang Ingles. Kasama na rin nito ang mag sulat ng mga buhay ng mga santo at santa. Kaya nga ninais ko rin na gumawa ng isang koleksyon ng mga nabangit na mga Santo at Santa. Maari din itong magbigay ng mas magandang pagkakataon upang lalong makilala ang mga santo at santa ng mga Pilipino.

Lunes - Enero 23, 2012, Ika-3 Linggo ng Taon

Image
Lunes - Enero 23, 2012 Ika-3 Linggo ng Taon Unang Pagbasa 2 Samuel 5:1-10 Naghari si David sa Israel at Juda 1 Nagkaisa ang lahat ng lipi ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, "Kami'y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. 2 Nang si Saul pa ang hari namin, pinangunahan mo ang mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ni Yahweh na ikaw ang magiging pastor ng Israel at ikaw ang mamumuno sa kanyang bayan." 3 Lahat ng pinuno ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel. 4 Tatlumpung taon na noon si David nang siya'y magsimulang maghari, at naghari siya sa loob ng apatnapung taon. 5 Sa Hebron, pitong taon at kalahati siyang namuno sa Juda. Sa Jerusalem naman ay tatlumpu't tatlong taon siyang naghari sa buong Israel at Juda. 6 Nang siya'y maging hari, pinanguna...