Posts

Showing posts with the label handog

Hebreo 10, 4-10

Image
Sulat sa mga Hebreo 10, 4-10 Mga kapatid, ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan. Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos, “Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, Kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain. Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan. Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ – Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.” Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagita...

Panalangin sa Taon ng Parokya

Image
Diyos na bukal ng kabutihan, salamat sa handog mong pagpapanibago, sa pagkakaloob ng mga munting sambayanang  Kristiyano, bilang lugar at pagkakataon upang maisabuhay ng makahulugan ang aming pananampalataya. Nagsusumamo kami na pagkalooban ng higit na alab ng kalooban sa pagsususlong ng munting sambayanang  Kristiyano na magbibigay ng bagong sigla sa pagpapanibago ng aming pamilya, kapitbahayan, at parokya. Kami nawa’y maging tunay na asin na magpapanatili ng pananampalataya, ilaw na nagbibigay ng liwanag sa aming misyon, at lebadura na magpapa-alsa ng pakikilahok. Ito ay aming samo’t dalangin sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Image
Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog, bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan, maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos? At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod? Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at hi ayaw na tanggapin yaong aking mga utos. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana, kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa; ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan upang inyong maunawa ang ginawang kamalian. Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain, ay handog ng pagsalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin. Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos.

Mateo 5, 20-26

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 5, 20-26 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsugod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.” “Narinig ninyo na noong una’y inutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang mapoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyero. Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos. “Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hi...

Genesis 4

Image
Cain at Abel 4    •  1  Nakipagtalik ang Tao sa kanyang asawang si Eva; naglihi si Eva at ipina­nganak niya si Cain – sapagkat si­nabi niyang “ Nagkamit  ako ng isang lala­ki sa tulong ni Yawe.” 2  Pagkatapos, isinilang niya si Abel na kapatid ni Cain. Isang pastol ng mga tupa si Abel, at magsasaka naman si Cain. 3  Pagkaraan ng ilang panahon, nag­handog si Cain kay Yawe ng mga ani ng lupa.  4  At naghandog din si Abel: inialay niya ang mga unang anak ng kanyang kawan at sinunog ang mga taba niyon. Nasiyahan si Yawe kay Abel at sa handog nito,  5  pero hindi siya nasi­yahan kay Cain at sa handog nito. Ikinagalit na lubha ito ni Cain at siya’y nalungkot.  6  At sinabi ni Yawe kay Cain: “Bakit ka galit at malungkot?  7  Kung gagawa ka ng mabuti, ika’y mama­butihin. Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, nag-aabang sa pin­tuan ang kasalanan. Han­da siyang sugu­rin ka, ngunit ikaw ang dapat maka...

Mateo 9:9-13

Image
9  Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan siya. 10  At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming taga­singil ng buwis at iba pang makasa­la­nan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. 11  Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasama ng mga makasa­lanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” 12  Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nanga­ngailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! 13  Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’  Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga ma­kasalanan.” 

Mateo 9:9-13

Image
Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sumunod sa kanya. At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasalo ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! Sige, matutuhan sana n’yo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’ Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”