Posts

Showing posts with the label guro

Panalangin ng Katekista

Image
Baon ang iyong pangako sa akin, nagpapasalamat ako sa iyo Panginoong Hesus na ako ay isang Katekista. Walang katumbas nakaligayahan ang hatid nito sa akin. Tinawag mo ako sa isang pagbabago ng puso at isipan. Tinuruan mo akong pagtibayin ang aking pananampalataya at pinagkatiwalaang manatiling kagaya ng dati o mapalagoang sarili. Panginoon Hesus napinakadakila at mapagmahal na guro, biniyayaan mo ako ng isang bokasyong nagbibigay daan sa aking pumili. ...pumiling ibahagi ang aking mga kaalaman at karanasan upang matutunan ang mga murang isipan  ...pumiling lumago ang isipan, lakas,pagkamalikhain, at pagiging masayahin. ...pumiling maging masunurin, masikap at hindi nagpapahila sa katamaran at pagwawalang bahala. ...pumiling palaguin ang sarili upang makagamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo.  ...pumiling maging pasensyoso, maunawain at matulungin lalong lalo na sa mga batang nahihirapang umunawa  ...pumiling mahalin hindi lamang ang mga magagaling at...

Lukas 15:1-10

Image
Lumapit kay Jesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinanggap niyan ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Jesus ang talinhagang ito sa kanila: “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ng mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi. Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping mabuti h...

Lk 6:39-42

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ang isang talinhaga: “Puwede nga kayang akayin ng isang bulag ang isa pang bulag? Di ba’t kapwa sila mahuhulog sa kanal? Hindi higit sa kanyang guro ang ganap na alagad. Ba’t mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? At di mo pansin ang troso sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid: ‘Kapatid pahintulutan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong hindi mo nga makita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa mata mo, at saka ka makakakitang mabuti para alisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.” Source : Radio Veritas

Mateo 23:23-26

Image
Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Hindi n’yo nalilimutan ang mint, anis at kumino sa pagbabayad ny’o ng ikapu ngunit hindi n’yo tinutupad ang pinakamahalaga sa Batas: ang katarungan, awa at pananampalataya. Ito ang nararapat isagawa na hindi kinakaligtaan ang iba. Mga bulag na tagaakay! Sinasala n’yo ang lamok pero nilulunok ang kamelyo. “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis n’yo ang labas ng plato at kopa ngunit pinupuno n’yo naman ang loob ng pagnanakaw at karahasan at binabasbasan ang mga ito. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang loob, at lilinis din ang labas. Source: Radio Veritas

Bakit nga ba ako naging guro?

Image
Ito po ay katipunan ng halos lahat ng pagbabahagi ng mga guro ng Liceo de Bay sa kanilang taunang espiritual na pagsasanay sa lungsod ng Tagaytay na ginanap noong 19 at 20 ng buwan ng Julyo 2012.

Ang Pinuno ng Bagong Anglicanong Diosesis ay isang guro, piloto at lolo

Image
Ang Pinuno ng Bagong Anglicanong Diosesis ay isang guro, piloto at lolo Houston (CNS) - Ang unang pinuno ng isang bagong diyosesis na nilikha para sa mga dating mga Paroyang Anglicano at mga indibidwal ay isang beses manunulat sa larangan ng palakasan, isang piloto at nagtuturo seminaryo ng Houston na noong 2009 ay naordinahang isang Katolikong pari. Inihayag ni Papa Benedicto XVI ang paglikha ng Personal Ordinariate o Diyosesis ng luklukan ni San Pedro noong Enero 1. Ito ay inilaan upang gumana tulad ng isang diyosesis, ngunit wala itong teritoryong sa saklaw, ito ay para sa mga dating mga kasapi ng ang Anglikanong Komunyon na naging Katoliko. Ang himpilan ng ordinariate sa Houston at papangunahan ng padre Jeffrey Steenson, na dating mga anglicanong obispo diyosesis ng Rio Grande, nakabase sa Albuquerque, NM, sa loob ng mga tatlong taon bago umalis upang maging isang Katoliko noong 2007. Siya at ang kanyang asawa, Debra, ay may tatlong mga bata at isa apo. "Ano ang n...

PANALANGIN KAY SAN AGUSTIN

Image
O San Agustin, pinili ka nang Amang Lumikha upang maging Guro ng pag-ibig, ilaw ng mga mangangaral at mag-aaral, Pantas ng Simbahan, haligi ng Santa Iglesia, tagapagtanggol ng pananampalatayang Kristiyano at kalasag laban sa mga kaaway. Hayaan mong matularan ko ang iyong halimbawa ng pagbabalik-loob sa Diyos upang ako rin ay makatamasa ng matuwid na landas tungo sa kaginhawahang walang katapusan upang ang puso ko ay pamahayan ng Banal na Santatlo. Ipanalangin mo ako, patron kong San Agustin, upang ang aking bisyo at mga maling aral na pinaniniwalaan ay aking maituwid sa tulong at awa ni Hesu-Kristo. Tulad ng iyong nasumpungan sa sulat ni San Pablo sa Bagong Tipan, nawa ay “maiwasan kong malugmok sa lusak ng kamunduhan at kalaswaan; at maisuot ko ang damit ng aking Panginoong Hesu-Kristo.” Tulungan mo ako, San Agustin, upang manaig sa akin ang karunungan at katalinuhan na biyaya sa akin ng Diyos. Nawa ang mga biyayang ito ay maghatid sa aking buhay nang kabanalan. Papagliwanagan mo ...