Bishop Buenaventura Famadico had decided that due to many prayers parish churches prays during the mass, the parishes within the diocese will use the prayer in preparation for the golden Jubilee to give importance to the preparation for the said event before the Post Communion prayer. Other prayers like that for the coming of the Pope this coming January can be prayed before or after the Mass.
Ama namin sa langit
sa pasimula pa tinawag mo na ang lahat ng tao
upang matamo ang iyong katotohanan.
Sa pamamagitan ng halimbawa ng iyong Anak,
di mabilang na mga lalaki at babae
ang tinalikuran ang lahat para sa Kaharian ng Diyos.
Sa Perlas ng Silangan
itinatag mo ang isang lalawigan
na hindi lamang naging duyan ng mga bayani
bagkus nabiyayaan ng isang buhay na Simbahan
na nakatalagang magsiwalat ng iyong liwanag
sa lahat ng taong may mabuting kalooban.
Ipagkaloob mo ang panibagong pagbubuhos
ng kapangyarihan ng iyong Espiritu
sa lahat ng mananampalataya sa Diyosesis ng San Pablo,
sa pagpasok ng lokal na simbahan sa Ginituang Taon ng Hubileyo.
Itulot mong ang panahong ito ng paghahanda
ay maging panahon ng pagpapanibago ng pananampalataya,
pagapapatibay ng pag-asa
at pagsasabuhay ng halimbawa ng pag-ibig ng iyong Anak.
Ipagkaloob mo sa kaparian
ang pusong tumitibok tulad ng puso ni Kristo;
sa mga relihiyoso at relihiyosa,
ang tunay na kagalakan sa pagsasabuhay ng tunay na diwa ng Mabuting Balita;
at sa mga layko,
lakas na maging asin ng mundo at liwanag ng sanlibutan.
Biyayaan mo ang lahat ng tao
ng pang-unawa at matatag na paninindigan
na ipagtanggol ang kultura ng buhay.
Sa kapangyarihan ng Eukaristiya,
bigyan mo po kami ng lakas ng kalooban
upang makasulong sa aming kinabukasan
habang aming pinagninilayan at natututuhan ang mga aral ng nakaraan.
Kasama ang Ina ng Diyos,
pakilusin mo kami sang ayon sa diwa ng katuruan ni Hesus
ukol sa mapapalad
upang maibahagi namin sa iba ang kagalakan
ng lahat ng mga banal. Amen.
L: San Pablo Unang Ermitanyo, patron at gabay ng Diyosesis ng San Pablo
R: Ipanalangin mo kami.
Comments
Post a Comment