Posts

Showing posts with the label kaharian

Mateo 5, 17-19

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 5, 17-19 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Image
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29 Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin, yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan. Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan na iyong ginawa kay David mong hirang at ito ang iyong pangakong iniwan: “Isa sa lahi mo’y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.” Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Ako’y tatawaging ama niya’y Diyos, Tapagsanggalang niya’y Manunubos. Ang aking pangako sa kanya’y iiral At mananatili sa kanya ang tipan. Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas.

2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16

Image
Ikalawang aklat ni Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Natan, “Ganito ang sabihin mo kay David: ‘Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian. Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula ang maghahari sa aking bayan magpakailanman. Kikilanlin ko siyang anak at ako nama’y magiging ama niya. Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.’

Panalangin sa Paghahanda sa Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis ng San Pablo

Image
Bishop Buenaventura Famadico had decided that due to many prayers parish churches prays during the mass, the parishes within the diocese will use the prayer in preparation for the golden Jubilee to give importance to the preparation for the said event before the Post Communion prayer. Other prayers like that for the coming of the Pope this coming January can be prayed before or after the Mass.  Ama namin sa langit sa pasimula pa tinawag mo na ang lahat ng tao upang matamo ang iyong katotohanan. Sa pamamagitan ng halimbawa ng iyong Anak, di mabilang na mga lalaki at babae ang tinalikuran ang lahat para sa Kaharian ng Diyos. Sa Perlas ng Silangan itinatag mo ang isang lalawigan na hindi lamang naging duyan ng mga bayani bagkus nabiyayaan ng isang buhay na Simbahan na nakatalagang magsiwalat ng iyong liwanag sa lahat ng taong may mabuting kalooban. Ipagkaloob mo ang panibagong pagbubuhos ng kapangyarihan ng iyong Espiritu sa lahat ng mananampala...

Lukas 21:5-19

Image
May ilang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinabi nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni Jesus: “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?” Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aangkin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya ,’ at ‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. Sa pagkabalita n’yo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.” At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at maglalaban-laban ang mga kaharian. Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa Langit. Pero bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa m...

Lukas 17:20-25

Image
Tinanong si Jesus ng mga Pariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos at sumagot siya: “Hindi lantaran ang pagdating ng kaharian ng Diyos; hindi masasabing ‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang Kaharian ng Diyos.” Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabikan n’yong makita ang isa sa mga pagpapakita ng Anak ng Tao at hindi n’yo naman makikita. At may magsasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningning mula sa isang dako ng Langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. Ngunit kailangan muna niyang magtiis nang marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuyan.” source: Radio Veritas

Lukas 13:18-21

Image
Sinabi ni Jesus: “Ano ang katulad ng Kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng Langit.” At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang Kaharian ng Diyos? Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Source: Radio Veritas

Lukas 8:1-3

Image
Naglibot si Jesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya. Source: Radio Veritas

Mateo 25:1-13

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na aba yang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!’ Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang mga lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas n gaming mga lampara.’ Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang kumuha kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.’ “Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama s...

Mateo 20 1-16

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Tungkol sa nangyayari sa Kaharian ng Langit ang kwentong ito: Maagang lumabas ang isang may-ari para umupa ng mga manggagawa sa ubasan. Nakipagkasundo siya na tatanggap ng isang baryang pilak isang araw ang manggagawa, at pinapapunta na niya sila sa ubasan. Lumabas din siya nang mag-iikasiyam ng umaga at nakita niya ang ibang mga nakatayo sa plasa na walang ginagawa. Kaya sinabi niya sa kanila: Pumunta rin kayo sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng nararapat.’At pumunta sila. Muli siyang lumabas ng kinatanghalian at nang mag-iikatlo ng hapon at gayundin din ang ginawa niya. Lumabas di siya sa huling oras ng paggawa at nakita niya ang iba pang nakatayo lamang. Kaya sinabi niya sa kanila: ‘Bat kayo nakatayo lang at maghapong walang ginagawa? Sumagot sila:’Wala kasing umupa sa amin.’Sinabi niya: ‘Pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan.’ Paglubog ng araw, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang tagapamahala: Tawagin mo ang mga manggagawa at b...

Linggo - Enero 15, 2012, Santo Nino, Ang sanggol na si Jesus

Image
Linggo - Enero 15, 2012 Santo Nino, Ang sanggol na si Jesus Unang Pagbasa Isaias 9:1-6 Paghahari ng Prinsipe ng Kapayapaan 1 Ngunit napawi na ang dilim sa bayang matagal nang namimighati. Noong mga nakaraang araw, inilagay niya sa kahihiyan ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali. Ngunit sa panahong darating, dadakilain niya ang lupaing ito, daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan, sa Galilea ng mga Hentil! 2 Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim. 3 Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Nagagalak sila na parang panahon ng anihan, at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan. 4 Sapagkat binali mo ang pamatok ng kahirapan at mga bigatin sa kanilang balikat ay pinasan. Pamalo ng mga mang-aapi, iyong binali tulad sa Midian na iyong ginapi. 5 Ang pany...