Si Arsobispo Charles John Brown ang bagong Nuncio ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas



Kanina, sa ganap na ika 6:00 pm. ,Setyembre 28, oras sa Pilipinas,  ay ipinahayag na itinalaga ng Santo Papa Francisco si Arsobispo Charles John Brown bilang bagong delegado ng Vatican sa Pilipinas.

Si Arsobispo Charles John ay ipinanganak sa Amerika noong Octubre 13, 1959 sa East Village, Manhattan sa lungsod ng New York .

Siya ay nag-aral ng Bachelor of Arts in History sa unibersidad ng Notre Dame sa Indiana, USA, Master of  Arts sa Teologiya sa Unibersidad ng England, kumuha din siya ng MA ng Medieval Studies sa Unibersidad ng Toronto, Ontario, Canada, pumasok sa seminaryo ng Saint Joseph's Seminary sa Yonkers, USA at nakatapos ng Master of Divinity  at Doctor sa Sacramental Theology sa Pontifical University of St. Anselmo sa Roma, Italia.

Charles John ay naging pari sa Arkdiocesis ng Roman Catholic Archdiocese of New York noong Mayo 13, 1989 ni cardinal John Joseph O'Connor sa Katedral ng St. Patrick sa ciudad ng New York. Siya ay naging katulong na pari sa parokya ng St. Brendan's  sa Bronx sa New York mula noong  1989-1992. Naging propesor sa Theologiya sa Seminaryo ng Dunwoodie. Nagtrabaho rin siya Congregation of Doctrine and Faith sa Roma.

Si Fr. Charles John ay naging obispo noong Enero 6, 2012 ni Pope Benedict XVI. Itinalagang delegado ng Santo Papa sa Ireland noong 2011 hanggang 2017 at sa Albania mula 2017 hanggang 2020.

Pinalitan niya si Gabrielle Giordano Cassia (Setyiembre 12, 2017 - Nobyembre 16, 1990 bilang Papal Nuncio sa Pilipinas.

Idinudulog natin na nawa ang kanyang pamamalagi dito sa ating bansa ay lalong maging daan upang mapalalim natin ang ating pananampalataya sa atng Panginoong Hesukristo at sa lalong malapit na pakikipagugnayan ng mga Pilipinong mananampalataya sa malalim na karanasang ng Simbahan sa pagtugon sa ating Diyos!
Share

Comments