Posts

Showing posts with the label Arsobispo

Si Arsobispo Charles John Brown ang bagong Nuncio ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas

Image
Kanina, sa ganap na ika 6:00 pm. ,Setyembre 28, oras sa Pilipinas,  ay ipinahayag na itinalaga ng Santo Papa Francisco si Arsobispo Charles John Brown bilang bagong delegado ng Vatican sa Pilipinas. Si Arsobispo Charles John ay ipinanganak sa Amerika noong Octubre 13, 1959 sa East Village, Manhattan sa lungsod ng New York . Siya ay nag-aral ng Bachelor of Arts in History sa unibersidad ng Notre Dame sa Indiana, USA, Master of  Arts sa Teologiya sa Unibersidad ng England, kumuha din siya ng MA ng Medieval Studies sa Unibersidad ng Toronto, Ontario, Canada, pumasok sa seminaryo ng Saint Joseph's Seminary sa Yonkers, USA at nakatapos ng Master of Divinity  at Doctor sa Sacramental Theology sa Pontifical University of St. Anselmo sa Roma, Italia. Charles John ay naging pari sa Arkdiocesis ng Roman Catholic Archdiocese of New York noong Mayo 13, 1989 ni cardinal John Joseph O'Connor sa Katedral ng St. Patrick sa ciudad ng New York. Siya ay naging katulong na pari sa paroky...

250th Years Journey of Faith

Image
Kapistahan ng Luklukan ni San Pedro.   Namiesta ako kaya lang wala masyadong nakuhang larawan dahil puno na pala ang storage ng cell phone ko. Nakipagdiwang ako ng Banal na Misa kasama ang mga kaparian sa pangunguda ng Kagalang galang na Arsobispo Gaudencio Rosales, DD. kaninang 8:00 am. Itong video na ginawa ng mga mananampalataya ng San Pedro ang nakuha ko na nais na ibahagi ko sa inyo.

PANALANGIN PARA SA BAGONG ARSOBISPO

Image
PANALANGIN PARA SA BAGONG ARSOBISPO Ama naming mapagkalinga, ikaw ang laging nangangasiwa sa iyong Simbahan bilang pangulo ng lahat ng nagaganap dito at tagapamahalang nagmamahal sa lahat ng bumubuo nito. Kalugdan mo ang iyong lingkod na si Luis Antonio na niloob mong lumingap sa iyong kawan ng may pagmamalasakit ng isang pastol na uliran. Ipagkaloob mong ang iyong lingkod ay maging matapat na tagapagturo ng dapat sampalatayanan yayamang siya ang tagapangasiwang gumaganap sa tungkulin ni Kristo bilang paring nangunguna sa pagsamba at lingkod na namamahala. Ang kanyang pagsasalita at pagiging uliran ay magpaunlad at magpabanal nawa sa sambayanan at ang kanyang pagmamalasakit ay magdulot ng iyong pagpapala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen. Ang panalanging ito ay pwede ring gamitin sa sino mang maging bagong arsobispo o obispo o maging sa bagong kura paroko, palitan lang ang pangalang nakalagay at ipalit ang pangalan ng bagong arsobispo, obispo o...

Arsobispo Francisco Montecillo Padilla

Image
Nobyembre 10, 2011, Papa Benedicto XVI ay itinalaga si Arsobispo    Francisco Montecillo Padilla, edad 58,  bilang Kinatawan ng Vatican sa Republica ng Tanzania. Si Arsobispo    Francisco Montecillo Padilla ay ipinanganak sa Cebu City, Philippines noong September 17, 1953, naging pari din sa Diocese ng Cebu noong October 21, 1976 sa edad na 23. Inordinahang obispo noong  May 23 2006 at itinalagang Titulong Obispo ng Nebbio. Itinalagang Kinatawan ng Vatican sa Solomon Island at Papua New Guinea noong April 1, 2006 sa edad na 52. Papalitan niya si  Arsobispo Joseph Chennoth na itinalaga namang kinatawan ng Papa sa Japan noong Oktubre 2011. Si Arsobispo  Francisco Montecillo Padilla ay may kapatid ring isang arsobispo na ang O svaldo Padilla na siya namang kunatawan ng Papa sa Mongolia at South Korea ShareThis Blogs commenting Fr. Jessie's post