Kalulunsad lang kanina ang Stay Safe dot Ph bilang official na contact tracing dito sa pilipinas upang makatulong sa paghahanap ng mga kakontact ng mga naging positive sa Covid 19 virus. Eto ay para din sa mga establisementong pinupuntahan ng mga tao.
Hindi po ito sapilitan pero malaki ang maitutulong nito para sa mga parokyano kaya nag apply din ako para sa Parokyang Simbahan ng Nuestra Senora dela Natividad ng Pangil, Laguna, Philippines. Ngunit hinihikayat ng gobyerno na gamitin ito para makatulong sa kinaukulan at para na rin sa paperless contact.
Kinakailangan nga lamang ng smartphone para ito maisakatupan sa pasimula kasi digital na ang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon.
Pinoprotektahan din naman ng batas ang maingat na pagiingat ng impormasyon na maaring makukuha dito. Tama din naman ang pagaalinlangan ng iba na maaring magamit ang impormasyon ng masamang elemento. Pero ganun din naman ang kahihinatnan ng contact tracing sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan. pinapadali lamang nito ang pagkuha ng impormasyon na mahalaga sa madaling pagkaalam kung ikaw ay posibleng nahawa na.
Ito po ang QR codes ng parokya para sa mga bibisita rito na maaring scan upang maregister ka na ikaw ay pumasok sa isang building o establisemento
Ito po ang makikita kapag naescanned na ang QR code ng parokya. Mayroong button na para ma-confirm ang iyong pagbisita.
nererecomenda ko rin po na gamitin ito ng mga parokya kung kinakailangan nila ang contact tracing.
Kung magagamit lang ito ng mas marami magandang makita kung ikaw ay mapapalapit sa isang confirmed case na gumagamit din ng nasabing mobile application.
Comments
Post a Comment