Novena sa Nuestra Senora dela Natividad




Ito po ang Novena sa Mahal na Birhen ng Kapanganakan o Nuestra Senora dela Natividad. Ito po ay sa kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria na ipinagdiriwang tuwing ika 8 ng Setyembre. Ito po ay sinubmit na noon pang buwan ng agosto 2019 sa Diocese ng San Pablo para sa kapahintulutan ng Simbahan. In principle ay ok naman daw kaya lang siyempre mahalaga na makita mismo ang opisyal na pagtanggap nito.


Medyo natagal ako at hinanap ko pa ang digital copy. Salamat po kay kapatid na Ma. Teresa. Ang nobena pomh ito ay gawa ng mga parokyano ng Nuestra Senora dela Nativida sa pangunguna ng iyong abang lingkod,

Ako po ay nagpapasalamat sa mga naging kabahagi ng pagbuo ng Nobenang ito. Maraming salamat po at Salamat sa Diyos. Ninais po natin na bouin ang nasabing Nobena dahil sa ang kasalukuyang nobena ay hindi naaprubahan ng Diocese ng San Pablo dahil hindi na makita ang original na pinangalingan nito.

Amg bagong Nobena tulad ng aking sinabi ay nasa kamay na ng Diocesan Liturgical Director mula pa po noong Agosto ng nakalipas na Taon. Ang nasabing Nobena ay inayon sa makabagong pamantayan ng simbahan. May kasama itong sipi ng banal na kasulatan at mga pagninilay na nakabatay sa karanasan at tradisyon ng simbahan na tumutugon sa kasalukuyang hamon na hinaharap ng mga mananampalataya na nagnanais na makatulad sa halimbawa ng pananampalataya ng Mahal Birheng Maria.

Hindi ko malaman kung bakit ayaw ng tanggapin ng blogger ang html code mula sa scribd.com. Binura ko muna ang code at ayaw magreflect sa blog na ito, dati ok lan e hindi ko malaman kung bakit ngayon ay ayaw na o kinakailangan ba ng panibagong code sa main blog. pero ito ang link para sa novena:
https://www.scribd.com/document/474439210/Nativity-Novena-Copy-Fr-jessie. Paki click nalang po at dadalhin kayo sa nabanggit na site.

Ok. kinakailamgan na ma refresh ang memory may option nga pala kaya hindi gumagana ang html post ko kahapon.
Kailangan na nasa html view saka mo ipaste ang html codw. Kaya eto na ang sa scribd.com

Novena sa Nuestra Senora dela Natividad by Rev. Fr. Jessie Somosierra, Jr. on Scribd

 

 Yun! Nakuha ko din ulit. Mahirap din ang tatlong taon na natigil sa paggamit ng blogger. Nahirati nalang sa Facebook e.


Comments