Novena sa Nuestra Senora dela Natividad
Ito po ang Novena sa Mahal na Birhen ng Kapanganakan o Nuestra Senora dela Natividad. Ito po ay sa kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria na ipinagdiriwang tuwing ika 8 ng Setyembre. Ito po ay sinubmit na noon pang buwan ng agosto 2019 sa Diocese ng San Pablo para sa kapahintulutan ng Simbahan. In principle ay ok naman daw kaya lang siyempre mahalaga na makita mismo ang opisyal na pagtanggap nito. Medyo natagal ako at hinanap ko pa ang digital copy. Salamat po kay kapatid na Ma. Teresa. Ang nobena pomh ito ay gawa ng mga parokyano ng Nuestra Senora dela Nativida sa pangunguna ng iyong abang lingkod, Ako po ay nagpapasalamat sa mga naging kabahagi ng pagbuo ng Nobenang ito. Maraming salamat po at Salamat sa Diyos. Ninais po natin na bouin ang nasabing Nobena dahil sa ang kasalukuyang nobena ay hindi naaprubahan ng Diocese ng San Pablo dahil hindi na makita ang original na pinangalingan nito. Amg bagong Nobena tulad ng aking sinabi ay nasa kamay na ng Diocesan Liturgical Director mula p...