Crossposting sa Facebook Livestreaming



Matagal na akong naglilivestreaming sa pamamagitan ng facebook live sa aking sariling personal account lalo na sa mga pagdiriwang ng mga misa at mg senibars at retreats. Kaya lang kamakailan naririnig ko ang tinatawag nilang crossposting ng livestreaming. Crossposting at pagpost ng livestreaming sa dalawa o higit pang mga lugar sa facebook o mga pagina.


Napagalaman ko rin sa pamamagitan ng pananaliksik na ang crossposting ay hindi pwedeng gawin sa personal accounts at sa isang personal account sa isang pagina ng facebook. Katulad halimbawa sa persona account ko na https://www.facebook.com/frjessie at sa isang personal account halimbawa ni Sis Pam Flores, Hindi rin pwede mula sa aking personal account sa isang page na minamanage ko na sa pangalan  ko rin Jessie Somosierra. Crossposting ay maari sa dalawang pagina ng facebook katulad ng personal page ko na Jessie Somosierra at Priest

Crossposting ay hindi pwedeng gawin sa pamagitan ng mobile streaming. Sinubukan kong gawin ito sa pamamagitan ng mobile phone sa dalawang pamamaraan, isa sa pamamagitan ng mobile site na m.facebook.com o mobile application na kung gagamit ka ng mobile phone o ng sa pamamagitan ng browser. ganun din kahit gumamit ka ng bowsewr na gumagamit ka ng deskstop https:www.facebook. 

Crossposting ay pwede lamang kapag gagamit ka ng desktop o laptop sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alintutunin ng facebook sa pag crossposting. Una, pumunta sa iyong facebook page. Kung wala pa gumawa muna.
Pag nasa facebook page mo na ikaw, pumunta kasa left bar mo at makikita mo sa dulo ang settings. Pindutin ang settings.



i click crossposting,

Ilagay ang page  o pages na gusto mong e crosspost at ganun din ang gagawin mo sa kabilang page. kailangan din na kagustuhan ang kabilang page na mag crosspost.

Kapag nag cocrossposting hindi malalaman ng nanood kung saang page nangagaling ang live feed maliban na lamang kung may logo ang orihinal na pinanggagalingan.
Paalala lang na hindi gagana ito kapag parehong oras at araw na sabay na nag video live streaming ang dalawang pages.

Kaya ko rin pinagaralan ito ay upang malaman kung anong pagkilos ang maaring gawin sa paglilivestreaming lalo na ng mga gawaing pangsimbahan, Nakasanayan kong mag livestream sa personal account ko dahil palipat lipat naman ng assignments. kaya lang upang magkaroon ng aktividades ang parokyang Facebook page ay napagpasyahan ko na ilagay ang mga post sa facebook page ng parokya.  Para din po sa kaalaman ng lahat ang mga misa at mga gawain pamparokya ay ilagay sa facebook ng parokya ng Nuestra Senora dela Natividad. 

Ang mga misa po ay 
Lunes           6 AM
Martes          5 PM
Miyerkules   5 PM
Huwebes      6 AM
Biyernes       5 PM
Sabado         6 AM
Linggo         6:30 AM
                     8:30 AM
                     5:00 PM

Tuwing alas dose ng Tanghali ay may Angelus at Sto Rosaryo at Dalit sa Birhen ng dela O



Ang mga videos ay matatagpuan sa site na ito.




Share

Comments