Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao
This is the prayer I have used to pray in the cemetery which I shares with my parishioners since 1999. This was been approved by the diocese of San Pablo since last March of 1999. Panalangin ng Mag-Anak sa Libingan ng Yumao PAMBUNGAD: Namumuno : Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Lahat : Amen Namumuo : Isang pagbati sa inyong lahat ng naririto ngayon upang magbigay ng panalangin sa kaluluwa na kanyang lingkod na si ____________________. MANALANGIN TAYO: Namumuno : Ama naming manlilikha batid naming sa aming pananampalataya na ang iyong anak na si Hesukristo ay namatay at muling nabuhay upang hanguin kami sa kasalanan. Yayamang ang aming kapatid na si ____________________ ay nahimlay na may pag-asa kay kristo, loobin mo na makasama siya sa kanyang maluwalhating muling pagkabuhay. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Lahat...