Posts

Showing posts with the label kristo

Halika at Tingnan mo!

Image
( Ito po ang mensahe ng Papa Francisco para sa 2021 Pandaigdigang Araw ng Komunikasyo na ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing sa dakilang kapistahan ng Pag-akyat ng ating Panginoong Hesukristo sa Langit. Ang Pagsasalin mula sa wikang Ingles sa wikang Pilipino ay gawa ng iyong abang lingkod, ito po ay walng patnugot ng Simbahang Katoliko. Ito po ay sariling salin upang higit na maintindihan ng karamihan na mga mananampalataya. Hindi po ito ang opisyal na salin) MENSAHE NG KANYANG KABANAL BANALANG PAPA FRANCISO PARA SA 2021 PANDAIGDIGANG ARAW NG  KOMUNIKASYON Mayo 16, 2021   "Halika at Tingnan mo" (Jn 1:46). Nakikipag-usap sa pamamagitan ng Pakikipagtagpo sa Mga Tao Kung Saan at Kung Anu Sila   Minamahal na Mga kapatid,   Ang paanyaya na "halika at makita", na bahagi ng mga unang gumagalaw na pakikipagtagpo ni Jesus sa mga alagad, ay ang pamamaraan din para sa lahat ng tunay na komunikasyon ng tao. Upang masabi ang katotohanan ng buhay na nagiging kas...

Ika Dalawangpung Tatlong Linggo ng Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Ezekiel 33, 7-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw, Tao, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala. Kapag sinabi ko sa taong masama na siya’y mamamatay at di mo ito ipinaabot sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan. Ngunit kapag binabalaan mo ang masama gayunma’y hindi rin nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang dapat panagutan.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, Sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumu...

Roma 8, 8-11

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 8, 8-11 Mga kapatid: Ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Kristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Kristo. Ngunit kung nasa inyo si Kristo, bagamat patay na ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, buhay naman ang inyong espiritu dahil sa pinawalang-sala na kayo. Kung nananahan a inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang mulang bumuay kay Hesukristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.

Hebreo 10, 4-10

Image
Sulat sa mga Hebreo 10, 4-10 Mga kapatid, ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan. Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos, “Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, Kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain. Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan. Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ – Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.” Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagita...

Juan 6, 63k. 68k

Image
Juan 6, 63k. 68k Salita mo, Kristong mahal, Espiritung bumubuhay, nagtuturo’t umaakay sa nagnanais makamtan ang langit na walang hanggan.

Mateo 1, 16. 18-21. 24a

Image
Mateo 1, 16. 18-21. 24a Si Jacob, ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo. Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose na nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon.

Juan 4, 5-15. 19b-26. 39a. 40-42

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 4, 5-15. 19b-26. 39a. 40-42 Noong panahong iyon: Dumating si Hesus sa isang bayan sa Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Umupo si Hesus sa tabi nito, sapagkat siya’y napagod sa paglalakbay. Halos katanghaliang-tapat na noon. May isang Samaritanang dumating upang umigib. SInabi ni Hesus sa kanya, “Maari bang makiinom?” Wala noon ang kanyang mga alagad sapagkat bumili ng pagkain sa bayan. Sinabi sa kanya ng Samaritana, “Kayo’y Judio at Samaritana ako! Bakit kayo humihingi sa akin ng inumin?” Sapagkat, ‘hindi nakikitungo ang mga Judio sa mga Samaritano. Sumagot si Hesus, “Kung alam lamang ninyo kung ano ang ipinagkakaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa inyo ng inumin, marahil ay kayo ang hihingi sa kanya, at kayo nama’y bibigyan niya ng tubig na nagbibigay-buhay.” “Ginoo,” wika ng babae, “malalim ang balong ito at wala man l...

Panalangin sa Taon ng Parokya

Image
Diyos na bukal ng kabutihan, salamat sa handog mong pagpapanibago, sa pagkakaloob ng mga munting sambayanang  Kristiyano, bilang lugar at pagkakataon upang maisabuhay ng makahulugan ang aming pananampalataya. Nagsusumamo kami na pagkalooban ng higit na alab ng kalooban sa pagsususlong ng munting sambayanang  Kristiyano na magbibigay ng bagong sigla sa pagpapanibago ng aming pamilya, kapitbahayan, at parokya. Kami nawa’y maging tunay na asin na magpapanatili ng pananampalataya, ilaw na nagbibigay ng liwanag sa aming misyon, at lebadura na magpapa-alsa ng pakikilahok. Ito ay aming samo’t dalangin sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Mateo 17:1-9

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo  17:1-9 Noong panahong iyon:  Isinama ni Hesus si Pedro,  at ang magkapatid na Santiago at Juan,  at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok.  Samantalang sila’y naroon,  nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus:  nagliwanag na parang araw ang kaniyáng mukha,  at pumuting parang busilak ang kaniyáng damit.  Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad  sina Moises at Elias na nakikipagusap kay Hesus.  Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus,  “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo.  Kung ibig ninyo,  gagawa ako ng tatlong kubol:  isa sa inyo,  isa kay Moises at isa kay Elias."  Nagsasalita pa siyá nang liliman sila ng isang maningning na ulap.  At mula rito’y may tinig na nagsabi:  “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.  Pakinggan ninyo siyá!"  Ang mga alagad ay natakot nan...

Primer on the Beliefs of Iglesia ni Kristo

Image
The Commission on the Doctrine of the Faith of Catholic Bishop Conference of the Philippines had released a primer on Belief om the Iglesia ni Kristo to guide the Filipino Catholics on their quest for answers especially that they will celebrate their centennial celebration this year. It should be noted that this is not an attack on their faith but an explanation on our part for those Catholic faithful who have question about the faith of Iglesia ni Kristo  and our stand on this issue. This was signed and release last March but it is the first time that I see this in one of the post in Facebook. A PRIMER ON THE BELIEFS OF THE IGLESIA NI KRISTO +ORLANDO CARDINAL QUEVEDO, O.M.I. 25 March 2014 Archbishop of Cotabato Chairman, Commission on the Doctrine of the Faith, CBCP "The Iglesia ni Cristo will celebrate its 100th foundation anniversary on July 27, 2014. As fellow citizens of our country we join the members of the INC in remembering their history where...