Posts

Showing posts with the label bitin

Deed of Donation

Image
Isa sa mga binibigyan pansin ng parokya ay ang mga kinatitirikan ng mga kapilya na siyang pagaari pa nang mga parokyano. Wala namang problema ito lalo na kapang ang mga may- ari ng lupa ay mga deboto ng ating pinaniniwalaang pananampalataya. Kaya lang di rin kaila sa atin na ang mga may ari na ito ay di palaging narito magpakailanman upang subabayan na ang kanilang mga ipinagkaloob ng habambuhay, hindi natin maiaalis na darating din ang panahon na sila ay daranas ng kamatayan. Ang mga lupang ito ay pinagtatagubilin nila na magamit sa mga banal na pagdiriwang ng Misa, binyagan,  kumpilan at nng iba pang mga sakramento at iba pang mga aktividades. May mga pagkakataon na ang mga ibinigay na lupa para sa nasabing gawain ay kung minsan ay di gusto ng mga naulila kaya binabawi nila. Mga karanasan na di mahirap intindihin, naging bahagi na rin ito ng kalinangan ng mga bagong pari. sapagkat sila mismo ay mga saksi na kung saan ay binabawi. nakakalungko pero ito ay katotohanan, it...

Mass

Image
San Antonio Abad chapel, Bitin,Bay,Laguna. Ang huling pagdiriwang ng banal na Misa sa araw na ito sa parokya ni San Agustin ay naganap dito sa baryo ng Bitin, Bay, Laguna. Mga 20 hanggang 30 minuto ang layo sa pamparokyang simbahan. Marami ang nagsisimba dito. Isa ito sa mga baranggay chapel na may Misa pag araw ng Linggo. Isang dahilan ng pagdami ng tao rito ay ang pagkaroon ng geothermal plant. Siyempre pag may trabaho hindi maiiwasan na dumami rin ang titigil upang dito manirahan.

Princess Kyla

Image
Ito ang pangalan ng bata na katatapos ko lamang ilibing dito sa aking parokya na aking minisahan sa barrio ng Bitin ( mga 30-45 minutes drive mula sa parish Church, 12 kilometers ang layo. Si Princess Kyla ay labing apat na taong gulang, grade four student and Mababang Paaralan ng Bitin. Ang Bata ay nawala noong February 15, 2011 sa di malamang dahilan at natagpuan sa isangt ilat na di naman kalayuan sa kanyang bahay noong ika-labingpito ng kasalukuyang buwan. Natagpuan siya sa isang liblib na lugar ng ilat na walang mga mata, wasak ang mukha, may 20 saksak sa katawan, may hiwa mula sa kanyang ari hanggang sa kanyang puwet, ginahasa at wala ng buhay. Nakakangalos. Ito rin ang sabi ko kanina sa aking homiliya sa kanyang misa. Nangyayari na rin ang mga bagay na ito sa ating paligid. Noong una nababalitaan natin ang mga ganitong pangyayari ngunit wala masyadong epekto sapagkat malayo sa atin. Balita lang ika nga. Pero ngayon hindi lamang ang pamilya ang apektado ngunit ang boung sambaya...

Barrio Visit of St. Augustine 2008

Image
Every year, as part of the parish activities to prepare for the feast of St. Augustine, The image of St. Augustine is being brought to the barrio and sitio chapels of the parish for a period of 5 days. There, everyday a prayer is held in honor of the patron, thanking God for the blessings received for the past year. This year, we started at barrio Bitin. Right after the celebration of the Holy Eucharist the Knights of the Altar brought the image to the said barrio and the community there awaits and prrayed for his intercession. Blogs commenting Fr. Jessie's post