Princess Kyla

Ito ang pangalan ng bata na katatapos ko lamang ilibing dito sa aking parokya na aking minisahan sa barrio ng Bitin ( mga 30-45 minutes drive mula sa parish Church, 12 kilometers ang layo.

Si Princess Kyla ay labing apat na taong gulang, grade four student and Mababang Paaralan ng Bitin. Ang Bata ay nawala noong February 15, 2011 sa di malamang dahilan at natagpuan sa isangt ilat na di naman kalayuan sa kanyang bahay noong ika-labingpito ng kasalukuyang buwan. Natagpuan siya sa isang liblib na lugar ng ilat na walang mga mata, wasak ang mukha, may 20 saksak sa katawan, may hiwa mula sa kanyang ari hanggang sa kanyang puwet, ginahasa at wala ng buhay.

Nakakangalos. Ito rin ang sabi ko kanina sa aking homiliya sa kanyang misa. Nangyayari na rin ang mga bagay na ito sa ating paligid. Noong una nababalitaan natin ang mga ganitong pangyayari ngunit wala masyadong epekto sapagkat malayo sa atin. Balita lang ika nga. Pero ngayon hindi lamang ang pamilya ang apektado ngunit ang boung sambayanan, ang boung bayan, ang boung parokya.

Apat ang pinahihinalaan na siyang gumagawa ng nakaririmarim na krimen. Dalawa na ang nasa kamay ng Batas. Isang 30 tatlopung taong lalaki na mula sa Tondo, manila na nasa kulungan ngayon ng Bay, Laguna at ang 17 years old na Tiyo ni Princess kyla na nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development dahil sa ito ay menor na edad.

Sangayon sa aking pananaliksik ang dahilan kung bakit nagawa nila ang ganitong uri ng krimen ay dahil sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot. Kapag ang tao ay nasa impluwensya na ng pinagbabawal na gamot talagang nawawala na sa sarili, wala ng nakikilala, hindi na makikita kung tama o mali ang ginagawa. nakalulungkot. 

ShareThis

Blogs commenting Fr. Jessie's post Technorati icon

Comments