Posts

Showing posts with the label gamot

Ezekiel 47, 1-9. 12

Image
Aklat ni propeta Ezekiel 47, 1-9. 12 Bumalik kami ng anghel sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito’y may agos ng tubig papunta sa silangan. Ang templo’y paharap sa silangan. Ito’y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar. Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga at iniligid niya ako papalabas sa pintuan sa gawing silangan. Doon ay may mahinang agos ng tubig mula sa gawing timog ng hagdanan. Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng limandaang metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong. Sumukat uli siya ng limandaang metro at nang lumusong kami sa tubig, ito’y hanggang baywang. Sumukat uli siya ng limandaang metro ngunit yaon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid. Sinabi niya sa akin, “Tao, tandaan mo ang lugar na ito.” Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog. Nang ako’y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang...

Princess Kyla

Image
Ito ang pangalan ng bata na katatapos ko lamang ilibing dito sa aking parokya na aking minisahan sa barrio ng Bitin ( mga 30-45 minutes drive mula sa parish Church, 12 kilometers ang layo. Si Princess Kyla ay labing apat na taong gulang, grade four student and Mababang Paaralan ng Bitin. Ang Bata ay nawala noong February 15, 2011 sa di malamang dahilan at natagpuan sa isangt ilat na di naman kalayuan sa kanyang bahay noong ika-labingpito ng kasalukuyang buwan. Natagpuan siya sa isang liblib na lugar ng ilat na walang mga mata, wasak ang mukha, may 20 saksak sa katawan, may hiwa mula sa kanyang ari hanggang sa kanyang puwet, ginahasa at wala ng buhay. Nakakangalos. Ito rin ang sabi ko kanina sa aking homiliya sa kanyang misa. Nangyayari na rin ang mga bagay na ito sa ating paligid. Noong una nababalitaan natin ang mga ganitong pangyayari ngunit wala masyadong epekto sapagkat malayo sa atin. Balita lang ika nga. Pero ngayon hindi lamang ang pamilya ang apektado ngunit ang boung sambaya...