Aklat ni propeta Ezekiel 47, 1-9. 12
Bumalik kami ng anghel sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito’y may agos ng tubig papunta sa silangan. Ang templo’y paharap sa silangan. Ito’y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar. Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga at iniligid niya ako papalabas sa pintuan sa gawing silangan. Doon ay may mahinang agos ng tubig mula sa gawing timog ng hagdanan.
Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng limandaang metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong. Sumukat uli siya ng limandaang metro at nang lumusong kami sa tubig, ito’y hanggang baywang. Sumukat uli siya ng limandaang metro ngunit yaon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid. Sinabi niya sa akin, “Tao, tandaan mo ang lugar na ito.”
Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog. Nang ako’y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang papang ng ilog. Sinabi niya sa akin, “Ang tubig na ito ay papunta sa dakong silangan, hanggang Dagat na Patay, malilinis ang tubig nito. Lahat ng lugar na abutin nito ay magkakaroon ng buhay. Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga pagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon.”

Comments
Post a Comment