Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b
Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak.
O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang
daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.
Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak.
Purihin ang Poon,
siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal
yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa buknag-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.
Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak.
Kaya’t ako’y dinggin,
ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.
Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak.
Comments
Post a Comment