Posts

Showing posts with the label panginoon

Litanya ni San Jose

Image
(Sa pagdiriwang po ng Jubileo ni San Jose ay nagdagdag po ang Santo Papa Francisco ng pitong bagong titulo na isasama sa kanyang litaniya ang nasabing pito ay huli kong dinagday bilang sariling salin mula sa mga sumusunod na mga titulo: Guardian of the Redeemer (Tagapangalaga ng Manunubos), Servant of Christ (Alagad ni Krsito), Minister of Salvation (Ministro ng Kaligtasan), Support in Difficulties (Suporta sa mga nahihirapan, Patron of Refugees (Patron ng mga walang matuluyan),Patron of the Afflicted (Patron ng mga Nagdurusa), Patron of the Poor (Patron ng mga Dukha). Litanya kay San Jose Panginoon, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo , pakinggan mo kami. Kristo, pakapakinggan mo kami. Diyos ama sa langit, maawa ka sa amin. Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa amin. Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin. Santisima Trinidad na iisang Diyos at ...

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 12, 12-14. 27-31a Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu. Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng isang bahagi lamang. Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Kristo at bawat isa’y bahagi nito. Naglagay ang Diyos sa Simbahan, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gagawa ng mga kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga magsasalita sa iba’t ibang wika. Hindi lahat ay apostol, propeta, o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga kababalaghan, magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba’t...

Ezekiel 37, 12-14

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel 37, 12-14 Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos: “Magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako ang Panginoon. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayun, malalaman ninyo na akong Panginoon ang nagsabi nito at aking gagawin.”

Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12

Image
Salmo 7, 2-3. 9bk-10. 11-12 Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa ‘yo’y lubos. Panginoon, aking Diyos, sa iyo ko natagpuan yaong aking minimithi at hangad na kaligtasan; iligtas mo sana ako, sa pag-usig ng kaaway, tinutugis nila ako, hindi sila naglulubay. Kapag ako ay inabot, sila’y leon ang katulad, tatangayin nila ako, sa malayo itatakas; at kung ito ang mangyaru, pihong walang magliligtas, dudurugin nila akom luluraying walang habag. Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa ‘yo’y lubos. Humatol ka sa panig ko yamang ako’y di masama. Pigilin ang di matuwid sa kanilang mga gawa, yaon namang mabubuti ay bigyan ng gantimpala; yamang ikaw, Panginoon, ay ang Diyos na dakila, at sa iyo ay di lingid ang laman ng puso’t diwa. Tugon: Panginoon, aking Diyos, pag-asa ko sa ‘yo’y lubos. Ikaw rin po, Panginoon, ang sa aki’y nag-iingat, ang lahat ng masunurin sa iyo ay naliligtas; ikaw ang Diyos na matuwid, isang Hukom na matapat, laging handang magparusa...

Jeremias 11, 18-20

Image
Aklat ni propeta Jeremias 11, 18-20 Ipinabatid sa akin ng Panginoon ang masamang balak laban sa akin ng mga kaaway ko. Ako’y parang maamong tupang dinadala sa patayan at hindi ko nalalamang may masamang balak pala sila sa akin. Wika nila, “Putulin natin ang puno habang malusog; patayin natin siya nang wala nang makaalaala pa sa kanya.” At dumalangin si Jeremias, “Panginoon, ikaw ay hukom na makatarungan. Nababatid mo ang isipan at damdamin ng bawat tao. Ikaw ang maghiganti sa mga taong ito; ipinauubaya ko po sa iyo ang aking gawain.”

Karunungan 2, 1a. 12-22

Image
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan 2, 1a. 12-22 Sinabi ng masasama: “Tambangan natin ang taong matuwid, pagkat hadlang sila sa ating mga balak; ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan, at sinasabing tayo’y nagkasala laban sa ating kaugalian. Ipinamamarali nilang nakikilala nila ang Diyos, at sinasabing sila’y anak ng Panginoon. Sila ang nagbibigay sa atin ng mga problema. Makita lang natin sila’y balisa na tayo, pagkat kaiba ang gawain nila’t pamumuhay. Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa, at nandidiri sila sa ating gawain; sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid, at ipinagmamagaling na sila’y anak ng Diyos. Tingnan natin kung ang salita nila’y magkakatotoo, kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila. Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway. Subukin natin silang dustain at pahirapan, upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kagandahang-asal, at kung hanggang k...

Isaias 49, 8-15

Image
Aklat ni propeta Isaias 49, 8-15 Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan: “Sa araw ng pagliligtas sa iyo ay lilingapin kita, at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo. Babantayan kita at iingatan; sa pamamagitan mo’y gagawa ako ng tipan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay walang kaayusan. Palalayain ko ang nasa bilangguan at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman. Sila’y matutulad sa mga tupang nanginginain sa magandang pastulan. Hindi sila magugutom ni mauuhaw. Hindi rin daranas Ng matinding init ng sikat ng araw at sa disyerto sapagkat papatnubayan sila noong isa na nagmamahal sa kanila. Sila’y ihahatid niya sa bukal ng tubig. Gagawa ako ng lansangan sa gitna ng mga bundok at ako’y maghahanda ng daan, para siyang daanan ng aking bayan. Darating ang bayan ko buhat sa malayo, mula sa hilaga at sa kanluran, gayun din sa Sevene sa timog.” Kalangitan umawit ka! Lupa, ikaw ay magalak, gayun din ang mga bundok, pagkat inaaliw ng Panginoon ...

Juan 4, 43-54

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 4, 43-54 Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa Samaria at nagtungo sa Galilea. Sapagkat si Hesus na rin ang nagsabing ang isang propeta’y hindi iginagalang sa kanyang sariling bayan. Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskuwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon. Nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. Doon niya ginawang alak ang tubig. Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito. Pinakiusapan niya itong pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihingalo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, hindi kayo mananampalataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot ...

Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b

Image
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. O Panginoon ko, sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas, kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak. Mula sa libingang daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay; ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman. Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. Purihin ang Poon, siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang. Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal, ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan! Hindi nagtatagal yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas. Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa buknag-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak. Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. Kaya’t ako’y dinggin, ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan, mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan. Nadama ko’y galak nang iyo...

Isaias 65, 17-21

Image
Aklat ni propeta Isaias 65, 17-21 Ang sabi ng Panginoon: “Ako at lilikha, isang baong lupa’t isang bagong langit; mga pangyayaring pawang lumipas na ay di na babalik! Kaya naman kayo’y dapat na magalak ko itong Jerusalem na ang aking pakay maging kagalakan ng mga hinirang. Ako mismo’y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo’y walang panambitan o kaguluhan. Doo’y wala nang sanggol na papanaw, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal. Ituturing pa rin na kabataan pa ang edad sa sandaan, ang hindi umabot ng gulang na ito ay pinarusahan. Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan, sa tanim na ubas ay sila ang aani.”

Efeso 5, 8-14

Image
Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Efeso 5, 8-14 Mga kapatid: Dati, nasa kadiliman kayo, ngunit ngayo’y nasa liwanag sapagkat kayo’y sa Panginoon. Mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga taong naliwanagan sapagkat ang ibinubunga ng pamumuhay sa liwanag ay pawang mabuti, matuwid at totoo. Pag-aralan ninyo kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. Huwag kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibubungang kabutihan – mga bagay na dulot ng kadiliman. Sa halip ay ilantad ninyo sila at ang kanilang mga gawa. Sapagkat kahiya-hiyang banggitin man lamang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim. Ang lahat ng nalalantad ay naliliwanagan, at ang naliwanagan ay nagiging liwanag. Kaya’t sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, magbangon ka mula sa mga patay, at liliwanagan ka ni Kristo.”

Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Image
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang. Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan, at inaakay niya ako sa tahimik na batisan, binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay. Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan, hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay; ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang, ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway; nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw. Tugon: Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan, sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay; doon ako sa t...

Ezekiel 37, 12-14

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel 37, 12-14 Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos: “Magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako ang Panginoon. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayun, malalaman ninyo na akong Panginoon ang nagsabi nito at aking gagawin.”

Lucas 1, 26-38

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Lucas 1, 26-38 Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.” “Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. S...

Isaias 7, 10-14; 8, 10

Image
Aklat ni propeta Isaias 7, 10-14; 8, 10 Noong mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: “Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng kinaroroonan ng mga yumao o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.” Sinabi ni Isaias: “Pakinggan mo, sambahayan ni David, Kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao Na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot? Kaya nga’t ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga At manganganak ng lalaki At ito’y tatawaging Emmanuel. Sapagkat ang Diyos ay sumasaatin.”

Oseas 14, 2-10

Image
Oseas 14, 2-10 Aklat ni propeta Oseas 14, 2-10 Ito ang sabi ng Panginoon, “Israel, manumbalik ka na sa Panginoon na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan.” Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo sa Panginoon at sabihin ninyo, “Patawarin mo na kami. Kami’y iyong kahabagan at tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami mailigtas ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga larawang ginawa lamang ng aming mga kamay. Sa iyo lamang makatatagpo ng awa ang mga ulila.” Sabi ng Panginoon, “Patatawarin ko na ang aking bayan. Mamahalin ko sila nang walang katapusan, sapagkat mapapawi na ang aking galit. Ako’y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel, at mamumulaklak siyang gaya ng liryo, mag-uugat na tulad ng matibay na punongkahoy; dadami ang kanyang mga sanga, gaganda siyang tulad ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng Libano. Magbabalik sila at tatahan sa ilalim ng aking kalinga. S...

Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Image
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang. siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang, mga tupa tayong inaalagaan. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Ang kanyang salita ay ating pakinggan: “Iyang inyong puso’y huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa. Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang, bagamat nakita ang aking ginawang sila’ng nakinabang.” Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin.

Jeremias 7, 23-28

Image
Aklat ni propeta Jeremias 7, 23-28 Sinasabi ng Panginoon: “Inutusan ko ang mga tao na sumunod sa akin upang sila’y maging aking bayan at ako naman ang Diyos nila. Sinabi kong mamuhay sila ayon sa ipinag-utos ko, at sila’y mapapanuto. Ngunit hindi sila tumalima ayaw nilang makinig sa akin. Sa halip, ginawa nila ang balang maibigan at lubusang nagpakasama, sa halip na magpakabuti. Mula nang lumabas sa Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, patuloy akong nagsugo ng aking mga alipin, ang mga propeta. Subalit hindi ninyo sila pinakinggan ni pinahalagahan. Nagmatigas kayo at masahol pa ang ginawa ninyo kaysa ginawa ng inyong mga ninuno. “Jeremias, sasabihin mo ang lahat ng ito sa kanila subalit hindi sila makikinig sa iyo. Tatawagin mo sila ngunit hindi ka nila papansinin. Kaya ganito ang sabihin mo sa kanila: ‘Narito ang bansang ayaw makinig sa tinig ng Panginoon kanilang Diyos, at ayaw ituwid ang kanilang landas. Naglaho na sa kanila ang katotohanan at di man lama...

Mateo 5, 17-19

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 5, 17-19 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Image
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion. Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo, bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat. Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin. Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin, ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin ang Panginoon! Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.