Litanya ni San Jose



(Sa pagdiriwang po ng Jubileo ni San Jose ay nagdagdag po ang Santo Papa Francisco ng pitong bagong titulo na isasama sa kanyang litaniya ang nasabing pito ay huli kong dinagday bilang sariling salin mula sa mga sumusunod na mga titulo: Guardian of the Redeemer (Tagapangalaga ng Manunubos), Servant of Christ (Alagad ni Krsito), Minister of Salvation (Ministro ng Kaligtasan), Support in Difficulties (Suporta sa mga nahihirapan, Patron of Refugees (Patron ng mga walang matuluyan),Patron of the Afflicted (Patron ng mga Nagdurusa), Patron of the Poor (Patron ng mga Dukha).

Litanya kay San Jose
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo , pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos ama sa langit, maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa
amin.
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad na iisang Diyos at tatlo sa pagkaPersona, maawa ka sa amin.
Santa Maria, Ipanalangin mo kami
San Jose, Ipanalangin mo kami
Bunying anak ni David, Ipanalangin mo kami
Ilaw ng mga patriarka, Ipanalangin mo kami
Esposo ng Ina ng Diyos, Ipanalangin mo kami
Kalinis-linisang tanod ng Birhen, Ipanalangin mo kami
Inaring Ama ng Anak ng Diyos, Ipanalangin mo kami
Maingat na tagapagtanggol ni Kristo, Ipanalangin mo
kami
Puno ng kabanal-banalang angkan, Ipanalangin mo
kami
San Jose, katapat-tapatan, Ipanalangin mo kami
San Jose, kaibit-baitan, Ipanalangin mo kami
San Jose na lalong mahinahon, Ipanalangin mo kami
San Jose na lalong masunurin, Ipanalangin mo kami
San Jose na lalong matapatin, Ipanalangin mo kami
Salamin ng pagtitiis, Ipanalangin mo kami
Maibigin sa kahirapan, Ipanalangin mo kami
Uliran ng mga manggagawa, Ipanalangin mo kami
Kaluwalhatian ng namamahay, Ipanalangin mo kami
Tagapagtanggol ng mga birhen, Ipanalangin mo kami
Tanggulan ng mga angkan, Ipanalangin mo kami
Aliw ng namimighati, Ipanalangin mo kami
Pag-asa ng mga may sakit, Ipanalangin mo kami
Pintakasi ng naghihingalo,
Sindak ng mga demonyo, Ipanalangin mo kami
Tagapagtangkilik ng Santa Iglesya, Ipanalangin mo kami
Tagapangalaga ng Manunubos, Ipanalangin mo kami
Lingkod ni Kristo, Ipanalangin mo kami
Ministro ng Kaligtasan, Ipanalangin mo kami
Suporta sa mga nahihirapan, Ipanalangin mo kami
Patron ng mga walang matuluyan, Ipanalangin mo kami
Patrom mg mga nagdurusa, Ipanalangin mo kami
Patron ng mga dukha, Ipanalangin mo kami

Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng
sandaigdigan,
Patawarin mo kami, Panginoon namin.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng
sandaigdigan,
Pakapakinggan mo kami, Panginoon namin.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng sala ng
sandaigdigan,
Maawa ka sa amin.


Share

Comments