Panalangin at mga Pagbasa
FEAST OF OUR LORD JESUS CHRIST, THE
ETERNAL HIGH
PRIEST
Thursday after Pentecost
Thursday after Pentecost
OUR LORD
JESUS CHRIST, THE
ETERNAL HIGH PRIEST
Feast
The
Feast of Our Lord Jesus Christ, The Eternal High Priest, according to the order
of Melchizedek. In him the Father has been well pleased from before
all time. As Mediator between God
and human beings, fulfilling his Father’s will,
he sacrificed himself once on the altar of the Cross as a saving Victim for the whole world. Thus, instituting the
pattern of an everlasting sacrifice, with a brother’s
kindness he chose, from among the
children of Adam, men to augment the
priesthood, so that, from the sacrifice continually renewed in the Church,
streams of divine power might flow, whereby
a new heaven and a new earth might be made, and throughout the whole universe
there would be perfected what no eye has seen, nor ear heard, nor has
entered into the human heart.
Thursday after Pentecost
OUR LORD
JESUS CHRIST, THE
ETERNAL HIGH PRIEST
Feast
ENTRANCE ANTIPHON Cf. Heb 7:24;
9, 15
Christ, Mediator of the New Covenant, has an eternal priesthood Because he remains for ever.
The Gloria
in excelsis (Glory to God in the highest)
is said.
COLLECT
PRAYER OVER THE OFFERINGS
PREFACE:
THE PRIESTHOOD OF CHRIST AND OF THE CHURCH
V. The Lord be with you.
R. And with your spirit.
V. Lift up your hearts.
R. We lift them up to the Lord.
V. Let us give thanks to the Lord our God.
R. It
is right and just.
It is truly right and just, our duty and our
salvation, always and everywhere to give you thanks,
Lord, holy Father, almighty and eternal God.
For by the anointing of the Holy Spirit you made your Only Begotten Son
High Priest of the new and eternal covenant, and by your wondrous design were pleased to decree that his one Priesthood should continue in the Church. For Christ not only adorns with a royal priesthood the people he has made his own, but with a brother’s kindness he also chooses men to become sharers in his sacred ministry through the laying on of hands. They are to renew in his name the sacrifice of human redemption, to set before your children the paschal banquet, to lead your holy people in charity, to nourish them with the word and strengthen them with the Sacraments. As they give up their lives for you and for the salvation of their brothers and sisters, they strive to be conformed to the image of Christ himself and offer you a constant witness of faith and love.
And so, Lord, with all the Angels and Saints, we, too, give you thanks, as in exultation we acclaim:
Holy, Holy, Holy Lord God of hosts...
COMMUNION ANTIPHON Mt 28:20
And behold, I am with you always, even to the
end of the age.
PRAYER AFTER COMMUNION
READINGS
Thursday after Pentecost
OUR LORD
JESUS CHRIST, THE
ETERNAL HIGH PRIEST
Feast
Year B
FIRST READING Jeremiah 31:31-34
I will make a new covenant with them;
I will remember their sins
no more.
A reading from the Book of the Prophet Jeremiah
‘Behold, the days are coming, says the Lord,
when I will make a new covenant with the house
of Israel and the house of Judah, not like the covenant which I made with their
fathers
when I took them by the hand to bring
them out of the land of Egypt,
my covenant
which they broke, though I was their
husband, says the Lord.
But this is the covenant which I will make
with the house of Israel after those days, says the Lord:
I will put my law within them, and I will
write it upon their hearts; and I will be their God, and they shall be my
people.
And no longer shall each man teach his
neighbour and each his brother, saying,
‘Know the Lord,’ for they shall
all know me, from the least of them to the greatest, says the Lord;
for I will forgive their iniquity, and I will
remember their sin no more.’ The word of the Lord.
or:
FIRST
READING Hebrews 10:11-18
He has perfected for all time those
who are sanctified.
A
reading from the Letter to the Hebrews
Every priest stands daily at his service, offering
repeatedly the same sacrifices,
which can never take away sins.
But when Christ had offered for all time a single sacrifice for sins, he sat down at the right hand of God,
then to wait until his enemies should be made a stool for his feet.
For by a single offering he has perfected for all time those who are sanctified. And the Holy Spirit also bears witness to us; for after saying,
‘This is the covenant that I will make with
them after those days, says the Lord:
I will put my laws on their hearts,
and write them on their
minds,’
then he adds,
‘I will remember their sins and their misdeeds no more.’
Where there is forgiveness of these, there is
no longer any offering for sin. The word of the Lord.
RESPONSORIAL PSALM Psalm 110(109):1b-e, 2, 3 (R. 4b)
R. You are a priest for ever, according to the
order of Melchizedek.
The Lord’s
revelation to my lord:
‘Sit at my right hand,
until I make your foes your footstool.’ R.
The Lord will send from Zion your sceptre of
power:
rule in the midst of your foes. R.
With you is princely rule on the day of your
power.
In holy splendour, from the womb before the
dawn, I have begotten you. R.
ALLELUIA Hebrews 5:8-9
R. Alleluia, alleluia.
Since he was Son,
he learned obedience through those things which he suffered,
and having been made perfect, he has become
for all who obey him the author of eternal salvation.
R. Alleluia,
alleluia.
GOSPEL Mark 14:22-25
This is my body. This is my blood.
+ A reading from the holy Gospel according to Mark
As they were eating, Jesus took bread, and
blessed, and broke it, and gave it
to them, and said, ‘Take; this is my body.’
And he took a cup, and when
he had given thanks he gave it to them, and they all drank of it.
And he said to them, ‘This is my blood of the covenant, which is
poured out for many.
Truly, I say to you,
I shall not
drink again of the fruit
of the vine until that day when I drink it new in the kingdom
of God.’
The Gospel of the Lord.
KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUKRISTO, WALANG HANGGANG AT DAKILANG PARI
Huwebes pagkaraan ng Pentekostes
Aawitin ang Papuri sa Diyos.
PANALANGING PAMBUNGAD
Ama naming
makapangyarihan, hinirang mo ang iyong
Bugtong na Anak
na maging katas-taasan at walang
hanggang pari
para sa iyong kaluwalhatian at para sa aming
kaligtasan. Marapatin mo na sa pagkakaloob ng Espiritu Santo,
ang iyong mga hinirang na mga lingkod at
katiwala ng iyong mga misteryo
ay makatupad nang may katapatang lubos
sa atas ng paglilingkod na kanilang tinanggap
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
Ama naming Lumikha,
ang aming Tagapamagitang si Hesukristo, ay
siya nawang tumulong sa amin
upang maging kalugod-lugod sa iyo ang aming
mga handog na ito,
at kami nawa’y
gawin mong kalugodlugod na hain sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
PAGBUBUNYI O PREPASYO
V. Sumainyo ang
Panginoon.
R. At sumaiyo rin.
V. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
R. Itinaas na namin sa Panginoon.
V. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
R. Marapat
na siya ay pasalamatan.
Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.
Sa paglukob ng Espiritu Santo,
ang iyong Anak ay naging lingkod mo
upang maihain ang bagong tipang walang hanggan
at ang pagganap nito’y mapasaiyong sambayanan.
Itinatampok niya kaming sambayanan mo upang
kami’y makapaglingkod sa iyo.
Ipinamana niya ang kanyang ginampanan
sa mga hinirang at pinatungan ng mga kamay.
Sa pagsasalo sa huling hapunan,
ang paghahain ng Anak
mong muling nabuhay ay pinangunguluhan ng mga hinirang
para magmalasakit sa iyong angkang dinudulutan
ng Salita mo’t pagkaing bumubuhay.
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa
kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: Santo,
Santo, Santo...
PANALANGIN
PAGKAPAKINABANG
Ama namin mapagmahal,
magdulot nawa sa amin ng ibayong buhay ang
banal na paghahain
na aming ipinagdiwang at tinanggap,
upang sa aming matibay na bigkis ng pagmamahal
sa iyo, kami’y manatiling nagbubunga
na magtatampok sa amin
sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
MGA
PAGBASA
KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUKRISTO, WALANG HANGGANG AT
DAKILANG PARI
Huwebes pagkaraan ng Pentekostes
Taon B
UNANG PAGBASA Jeremias 31:31-34
Gagawa ako ng bagong pakikipagtipan
at di ko na gugunitain ang tanang kasalanan.
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias
Sinasabi ng Panginoon, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong
pakikipagtipan sa Israel at sa
Juda. Ito’y di gaya ng tipang ginawa
ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Bagamat sumira sila sa kasunduan namin, nagtiyaga ako sa
kanila. Ganito ang gagawin kong tipan
sa Israel: Itatanim ko sa kanilang
kalooban ang aking kautusan; isusulat
ko sa kanilang mga puso.
Ako’y magiging kanilang Diyos
at sila ang magiging bayan ko.
Hindi na nila kailangang turuan ang isa’t
isa upang makilala ang Panginoon; lahat
sila, dakila’t hamak ay makakakilala sa akin, sapagkat
patatawarin ko sila sa kanilang maling gawain at hindi ko na gugunitain pa ang kanilang
kasalanan.”
Ang Salita ng Diyos.
o kaya:
UNANG PAGBASA Hebreo 10:11-18
Sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog
ay kanyang pinapaging-banal magpakailanman ang mga nilinis
niya.
Pagbasa mula sa
sulat sa mga Hebreo
Bawat saserdote ay nakatayong naglilingkod araw-araw at naghahandog ng iyon at iyon ding mga hain, subalit hindi
makapapawi ng kasalanan ang mga haing iyon. Ngunit
si Kristo ay minsan lamang
naghandog dahil sa mga kasalanan, at ito’y sapat
na. Pagkatapos, lumuklok siya
sa kanan ng Diyos. At naghihintay
siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog ay kanyang pinapaging-banal magpakailanman
ang mga nililinis niya.
Ang Espiritu
Santo’y nagpapatotoo rin sa atin tungkol
dito. Una’y sinabi
niya, “Ito ang aking magiging
tipan sa kanila
pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
Iuukit ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip.”
At kanya ring sinabi pagkatapos,
“Hindi ko na aalalahanin pa ang
kanilang mga kasalanan at mga kasamaan.” Sapagkat ipinatawad na ang mga
kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN Salmo 110(109):1b-e, 2, 3 (R. 4b)
R. Ika’y
paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
Sinabi ng Poon,
sa Hari ko’t Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko.
Hanggang ang kaaway mo
ay lubos na mapasuko, pagkat iyong matatalo.” R.
Magmula sa dakong Sion,
ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;
“At lahat ng kaaway mo’y
sakupin at pagharian,” gayun ang kanyang utos. R.
Sasamahan ka ng madla,
kung dumating ang panahong lusubin ka ng
kaaway; magmula sa mga bundok,
lalabas at sasamahan
ka ng mga kabataan. R.
ALELUYA Hebeo 5:8-9
R. Aleluya! Aleluya!
Bagamat siya’y Anak ng Diyos,
natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtitiis.
At nang maganap na niya ito, siya’y naging
walang hanggang Tagapagligtas ng
lahat ng sumusunod sa kanya.
R. Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA Marcos 14:22-25
Hinawakan niya
ang kalis, at matapos
magpasalamat ay ibinigay
sa kanila;
at uminom silang lahat.
+ Ang Mabuting Balita
ng Panginoon ayon kay San Marcos
Samantalang sila’y kumakain, dumampot ng tinapay
si Hesus, at matapos
magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati
at ibinigay sa mga alagad. “Kunin ninyo; ito ang aking katawan,” wika
niya. Hinawakan niya ang kalis, at matapos
magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. Sinabi niya, “Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi
ko sa inyo, hindi na ako iinom ng
alak na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian
ng Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Archdiocesan
Liturgical Commission Manila
Feast of Our Lord Jesus Christ the Eternal High Priest by Rev. Fr. Jessie Somosierra, Jr. on Scribd
Comments
Post a Comment