Posts

Showing posts with the label liwanag

Lucas 8, 15

Image
Lucas 8, 15 Mapalad ang nag-iingat sa kanyang pusong matapat sa Salitang nagbubuhat sa Poong D’yos ng liwanag, sa t’yaga’y aaning ganap.

Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b

Image
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. O Panginoon ko, sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas, kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak. Mula sa libingang daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay; ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman. Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. Purihin ang Poon, siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang. Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal, ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan! Hindi nagtatagal yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas. Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa buknag-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak. Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. Kaya’t ako’y dinggin, ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan, mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan. Nadama ko’y galak nang iyo...

Lucas 8, 15

Image
Lucas 8, 15 Mapalad ang nag-iingat sa kanyang pusong matapat ng Salitang nagbubuhay sa Poong D’yos ng liwanag, sa t’yaga’y aaning ganap.

Sambuhay, Enero 26, 2014

Image
  Sambuhay, Pambansang Linggo ng Banal na Kasulatan

Huwebes - Disyembre 29, 2011, Ika-5 na Araw ng Pagdiriwang ng Pasko (Tomas Becket)

Image
Huwebes - Disyembre 29, 2011,Ika-5 na Araw ng Pagdiriwang ng Pasko (Tomas Becket) Unang Pagbasa 1 Juan 2:3-11 3 Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. 4 Ang nagsasabing, "Nakikilala ko siya," ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. 5 Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. 6 Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo. Ang Bagong Utos 7 Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo na sa simula pa. Ito'y ang mensaheng narinig na ninyo. 8 Ngunit, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo; sapagkat napapawi na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito'y nasaksihan sa buhay ni Cristo ...