Posts

Showing posts with the label poon

Lucas 8, 15

Image
Lucas 8, 15 Mapalad ang nag-iingat sa kanyang pusong matapat sa Salitang nagbubuhat sa Poong D’yos ng liwanag, sa t’yaga’y aaning ganap.

Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23

Image
Salmo 33, 17-18. 19-20. 21 at 23 Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Nililipol ng Diyos yaong masasama hanggang sa mapawi sa isip ng madla. Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib. Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Tumutulong siya sa nasisiphayo ang walang pag-asa’y hindi binibigo. Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong Poon, agad maiibsan. Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo. Kukupkupin siya nang lubus-lubusan, kahit isang buto’y hindi magagalaw. Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas, sa napakukupkop, siyang mag-iingat! Tugon: Sa D’yos hindi mabibigo ang mga nasisiphayo.

Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b

Image
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11-12a at 13b Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. O Panginoon ko, sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas, kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak. Mula sa libingang daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay; ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman. Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. Purihin ang Poon, siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang. Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal, ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan! Hindi nagtatagal yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas. Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag, sa buknag-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak. Tugon: Poong sa aki’y nagligtas, ang dangal mo’y aking galak. Kaya’t ako’y dinggin, ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan, mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan. Nadama ko’y galak nang iyo...

Juan 8, 12

Image
Juan 8, 12 Ang sabi ng Poong mahal, “Sa daigdig ako’y ilaw. Kapag ako ay sinundan, ang dilim ay mapaparam at sa aki’y mabubuhay.”

Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Image
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Tugon: Sa piling Poong Diyos may pag-ibig at pagtubos. Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon, Panginoon, ako’y dinggin pagkat ako’y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko’t paghingi ng iyong tulong. Tugon: Sa piling Poong Diyos may pag-ibig at pagtubos. Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa ‘yo ay matakot. Tugon: Sa piling Poong Diyos may pag-ibig at pagtubos. Sabik akong naghihintay sa tulong mo, Panginoon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon ay higit pa, sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga. Tugon: Sa piling Poong Diyos may pag-ibig at pagtubos. Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubos. Ililigtas ang Israel, yaong kanyan...

Juan 1, 14ab

Image
Purihin and Poong Hesus, salita ng Amang Diyos, mula sa langit nanaog. Naging tao sa pagsakop sa sala ng sansinukob.

Mateo 4, 17

Image
Mateo 4, 17 Sinabi ng Poong mahal: “Kasalanan ay talikdan, pagsuway ay pagsisihan; maghahari nang lubusan ang Poong D’yos na Maykapal.”

Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Image
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Sa paglabas namin sa bansang mabagsik, ganito ang wika na aking narinig: “Mabigat mong dalay aking iniibis, ipinababa ko ang pasaning basket. Iniligtas kita sa gitna ng hirap, iniligtas kita nang ika’y tumawag. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Tinugon din kita sa gitna ng kidlat, at sinubok kita sa Batis Meriba. Kapag nangungusap, ako’y inyong dinggin, sana’y makinig ka, O bansang Israel. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang diyus-diyusa’y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa’y di dapat luhuran. Ako’y Panginoon, ako ang Diyos mo, Ako ang tumubos sa ‘yo sa Egipto. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; ang lalong mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo’y ipapakain ko; at ang gusto nin...

Salmo 83, 5

Image
Purihin ang Poong mahal sa angkin n’yang kabutihan. Mapalad ang tumatahan sa templo ng Poong banal, nagpupuring walang hanggan.

Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Image
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29 Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin; ang katapatan mo’y laging sasambitin, yaong pag-ibig mo’y walang katapusan, sintatag ng langit ang ‘yong katapatan. Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan na iyong ginawa kay David mong hirang at ito ang iyong pangakong iniwan: “Isa sa lahi mo’y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.” Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas. Ako’y tatawaging ama niya’y Diyos, Tapagsanggalang niya’y Manunubos. Ang aking pangako sa kanya’y iiral At mananatili sa kanya ang tipan. Tugon: Lahi niya’y walang wakas, kailanma’y hindi lilipas.

Juan 8, 12

Image
Juan 8, 12 Ang sabi ng Poong mahal: “Sa daigdig ako’y ilaw. Kapag ako ay sinundan, ang dilim ay mapaparam at sa aki’y mabubuhay.”

Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8

Image
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 7k-8 Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat, sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap. Sa harap ng iyong templo ay yuyulo at gagalang, pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay. Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat, ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap. Tugon: Noong ako ay tumawag, tugon mo’y aking tinanggap.

Ezekiel 18, 31

Image
Ezekiel 18, 31 Sinabi ng Poong mahal: “Kasamaan ay layuan, kasalana’y pagsisihan; kayo ay magbagong-buhay, magbalik-loob na tunay.”

Awit 51:3-4, 5-6, 12-13, 17

Image
Poón, iyóng kaawaán kamíng sa ‘yó’y nagsisuwáy! Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,  sang-ayon sa iyong kagandahang- loob.  Mga kasalanan ko’y iyong pawiin, ayon din sa iyong pagibig sa akin!  Linisin mo sana ang aking karumhan at ipatawad mo yaring kasalanan!  Ang pagsalansang ko ay kinikilala,  laging nasa isip ko at alaala.  Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,  at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.  Isang pusong tapat sa aki’y likhain;  bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.  Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;  ang Espiritu mo ang papaghariin.  Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,  ibalik at ako ay gawin mong tapat.  Turuan mo akong makapagsalita,  at pupurihin ka sa gitna ng madla.

Awit 33:4-5, 18-19, 20, 22

Image
Salmong Tugunan: Poon, pag-asa ka namin, pagibig mo’y aming hiling! Panginoo’y tapat sa kaniyáng salita, at maaasahan ang kaniyáng ginawa. Minamahal niyá ang gawang matapat, ang pag-ibig niyá sa mundo’y laganap. Ang may takót sa Diyós, at nagtitiwala sa kaniyáng pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi babayaang silá ay mamatay, kahit mag-taggutom silá’y binubuhay. Ang ating pag-asa’y nasa Panginoón; siyá ang sangggalang natin at katulong. Ipagkaloob mo na aming makamit, O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pagasa’y sa’yo nasasalig!