Posts

Showing posts with the label dagat

Salmo 105, 19-20. 21-22. 23

Image
Salmo 105, 19-20. 21-22. 23 Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Sa may Bundok ng Horeb, doon ay naghugis niyong gintong baka, matapos mahugis ang ginawa nila’y kanilang sinamba. Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha, sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa. Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos, ang Tagapagligtas, na yaong ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas. Sa lupaing iyon ang ginawa niya’y tunay na himala. Sa Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay kahanga-hanga. Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Ang pasiya ng Diyos sa ginawa nila’y lipulin pagdaka, agad na dumulog sa Poon, si Moises namagitan siya, at hindi natuloy yaong kapasiyahan na lipulin sila. Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Ezekiel 47, 1-9. 12

Image
Aklat ni propeta Ezekiel 47, 1-9. 12 Bumalik kami ng anghel sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito’y may agos ng tubig papunta sa silangan. Ang templo’y paharap sa silangan. Ito’y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar. Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga at iniligid niya ako papalabas sa pintuan sa gawing silangan. Doon ay may mahinang agos ng tubig mula sa gawing timog ng hagdanan. Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng limandaang metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong. Sumukat uli siya ng limandaang metro at nang lumusong kami sa tubig, ito’y hanggang baywang. Sumukat uli siya ng limandaang metro ngunit yaon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid. Sinabi niya sa akin, “Tao, tandaan mo ang lugar na ito.” Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog. Nang ako’y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang...