Posts

Showing posts with the label tubig

Isaias 49, 8-15

Image
Aklat ni propeta Isaias 49, 8-15 Sabi ng Panginoon sa kanyang bayan: “Sa araw ng pagliligtas sa iyo ay lilingapin kita, at tutugunin ang paghingi mo ng saklolo. Babantayan kita at iingatan; sa pamamagitan mo’y gagawa ako ng tipan sa mga tao, ibabalik kita sa sariling lupain na ngayon ay walang kaayusan. Palalayain ko ang nasa bilangguan at bibigyan ng liwanag ang nasa kadiliman. Sila’y matutulad sa mga tupang nanginginain sa magandang pastulan. Hindi sila magugutom ni mauuhaw. Hindi rin daranas Ng matinding init ng sikat ng araw at sa disyerto sapagkat papatnubayan sila noong isa na nagmamahal sa kanila. Sila’y ihahatid niya sa bukal ng tubig. Gagawa ako ng lansangan sa gitna ng mga bundok at ako’y maghahanda ng daan, para siyang daanan ng aking bayan. Darating ang bayan ko buhat sa malayo, mula sa hilaga at sa kanluran, gayun din sa Sevene sa timog.” Kalangitan umawit ka! Lupa, ikaw ay magalak, gayun din ang mga bundok, pagkat inaaliw ng Panginoon ...

Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9

Image
Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9 Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan; di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok mabuwal. Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo’y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lungsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan. Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. Anuman ang kanyang ginawa sa lupa, sapat nang pagmasdan at ika’y hahanga! Tugon: D’yos na makapangyariha’y kapiling nating kanlungan.

Ezekiel 47, 1-9. 12

Image
Aklat ni propeta Ezekiel 47, 1-9. 12 Bumalik kami ng anghel sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito’y may agos ng tubig papunta sa silangan. Ang templo’y paharap sa silangan. Ito’y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar. Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga at iniligid niya ako papalabas sa pintuan sa gawing silangan. Doon ay may mahinang agos ng tubig mula sa gawing timog ng hagdanan. Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng limandaang metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong. Sumukat uli siya ng limandaang metro at nang lumusong kami sa tubig, ito’y hanggang baywang. Sumukat uli siya ng limandaang metro ngunit yaon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid. Sinabi niya sa akin, “Tao, tandaan mo ang lugar na ito.” Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog. Nang ako’y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang...

Juan 4, 5-15. 19b-26. 39a. 40-42

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Juan 4, 5-15. 19b-26. 39a. 40-42 Noong panahong iyon: Dumating si Hesus sa isang bayan sa Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Umupo si Hesus sa tabi nito, sapagkat siya’y napagod sa paglalakbay. Halos katanghaliang-tapat na noon. May isang Samaritanang dumating upang umigib. SInabi ni Hesus sa kanya, “Maari bang makiinom?” Wala noon ang kanyang mga alagad sapagkat bumili ng pagkain sa bayan. Sinabi sa kanya ng Samaritana, “Kayo’y Judio at Samaritana ako! Bakit kayo humihingi sa akin ng inumin?” Sapagkat, ‘hindi nakikitungo ang mga Judio sa mga Samaritano. Sumagot si Hesus, “Kung alam lamang ninyo kung ano ang ipinagkakaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa inyo ng inumin, marahil ay kayo ang hihingi sa kanya, at kayo nama’y bibigyan niya ng tubig na nagbibigay-buhay.” “Ginoo,” wika ng babae, “malalim ang balong ito at wala man l...

Juan 4, 42. 15

Image
Juan 4, 42. 15 Aming pinananaligang Tagapagligtas ng tanan, Panginoon, kami’y bigyan ng tubig na bumubuhay upang kami’y di mauhaw.

Exodo 17, 3-7

Image
Aklat ng Exodo 17, 3-7 Noong mga araw na iyon: talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga hayop?” Kaya, taimtim na nanalangin si Moises sa Panginoon, “Ano ang gagawin ko sa mga taong ito? Ibig na nila akong batuhin?” Sumagot ang Panginoon, “Magsama ka ng ilang pinuno ng sambahayan ng Israel at mauna kayo sa mga Israelita. Dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa ilog at lumakad na kayo. Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Horeb. Hampasin mo ito at bubuhal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Gayun nga ang ginawa ni Moises; at ito ay nasaksihan ng mga kasama niyang lider ng Israel. Ang lugar na yaon ay pinangalanan nilang “Masa” at “Meriba” dahil sa doo’y nagtalu-talo ang mga Israelita at sinubok nila ang Panginoon. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan sila ng Panginoon o hindi.

Lucas 16, 19-31

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Lucas 16, 19-31 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling ni Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng ...

Lukas 7:36-50

Image
Inanyayahan si Jesus ng isa sa mga Pariseo na makisalo sa kanya pumasok siya sa bahay ng Pariseo at humilig sa sopa para kumain. Ngayon, may isang babae sa bayang iyon na itinuturing na makasalanan. Nang malaman nitong na si Jesus ay nasa hapag sa bahay ng Pariseo, nagdala ito ng pabangong nasa sisidlang alabastro. Tumayo siya sa likuran, sa may paanan ni Jesus at umiyak. Tumulo ang kanyang mga luha sa mga paa ni Jesus at pinunasan niya ng kanyang buhok, at hinagkan at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Pariseong kumumbida sa kanya, naisip nito: “Kung Propeta ang taong ito, malalaman niya kung sino ang babaeng ito at anong uri ng tao ang humihipo sa kanya—-isa ngang makasalanan!” Ngunit nagsalita sa kanya si Jesus: “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot ito: “Guro, magsalita ka.” At sinabi niya: “May dalawang may utang sa isang taong nagpapautang. Limandaang salaping pilak ang utang ng isa at limampu naman ang sa isa pa. Ngunit wala silang maibayad, kaya kapwa niya sila ...

Watermark

Image
Sangayon sa Google ang watermark ay antas ng tubig sangayon sa pagsasalin nito sa wikang Filipino. Pero hayaan ninyo na tawagin natin dito na markang tubig. Nagsimula nang lagyan ang mga larawan ng markang tubig na ginawa mula sa escudo  o coat of arms ni Padre Jessie Somosierra, Jr.  Hindi rin madali gumawa ng coat of arms, sa iba na natin ipapaliwanag ang mga kahulugan ng mga imahe na nakalagay doon. mahirap din maghananp ng magandang software na siyang mag lalagay ng markang tubig. Ang napili ay  ang  TSR Watermark Image Software, dahil sa ito ay libre para sa personal na paggamit at pwedeng gamitin ang imahe o teksto para sa pagmamarkang tubig. bilang bahagi ng aking pasasalamat ito ang kawil sa lugar na pwedeng pagdownloadan ng nasabing T SR Watermark Image Software . Mayroon ding iba at kung tutuusin ay marami ang mga software kaya lang mas maganda ito sangayon sa kasalukuyang pangangailangan. Halimbawa ng imahen na may watermark.  Ang Maha...

Tumataas ang Tubig Baha

Image
Kahapon pagkatapos magbotohan ang mababang kapulungan ng kongreso kumg ititigil nga ba ang debate ukol sa RH Bill ay nagsimula namang bumuhos ang ulan. Wala namang bagyo kundi hanging habagat lamang pero walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Lubog na ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig na probinsya. Mga lugar sa Manila katulad ng Quezon city, Marikina, Navotas, Makati, at caloocan ay ilan lamang sa mga naapektuhan. Ang mga karatig na probinsya katulad ng Rizal, Laguna at bulacan ay naapektuhan din. Ipanalangin natin ang pagtigil ng ulan at ang kaligtasan ng sambayanan. Sa bay, laguna ay may mahigit na 300 dang pamilya at nadadagdan pa na nasa evacuation centers. Ang mga apektadong baranggay ay Sto. Domingo, San Isidro, Maitim, Tagumpay, San Antonio at Dila. Areas Under State of Calamity Bataan Cainta, Rizal Laguna Malabon Pampanga Valenzuela Zambales

Oratio Imperata (Ulan, Tagalog Version)

Image
I am posting this prayer " Oratio Imperata " for rain as the Filipino nation is on water crisis due to El Nino phenomenon that has greatly affected the produce of farmers. Ama naming mapagmahal na lumikha ng sangkalupaan at sanlibutan at ng mga kahanga-hangang kalikasan na dinadaluyan ng buhay ng iyong mga nilikha. Mapagkumbaba kaming sumasamong ipagkaloob mo ang biyaya ng ulan na siyang matinding pangangailangan ng aming bansa ngayon upang tubigan ang aming mga bukid at mga nanunuyong lupa, mapigil ang mapipintong krisis sa kuryente at patirin ang aming mga uhaw. Sa hudyat ng salita mo’y sumusunod ang hangin at dagat, iunat mo ang iyong mapagpalang kamay upang mapasimulan na ang naudlot na pangkaraniwang panahon ng tag-ulan at upang maiwasan ang napipintong krisis. Diyos naming maawaain at mapagbigay, imulat mo ang aming mga mata sa kayamanan at kagandahan ng iyong mga nilikha at hubugin mo kaming maging mapagmalasakit para sa kalikasan. Turuan mo kaming maging magpagkakati...