Tumataas ang Tubig Baha

Kahapon pagkatapos magbotohan ang mababang kapulungan ng kongreso kumg ititigil nga ba ang debate ukol sa RH Bill ay nagsimula namang bumuhos ang ulan. Wala namang bagyo kundi hanging habagat lamang pero walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan. Lubog na ang ilang bahagi ng Metro Manila at karatig na probinsya. Mga lugar sa Manila katulad ng Quezon city, Marikina, Navotas, Makati, at caloocan ay ilan lamang sa mga naapektuhan. Ang mga karatig na probinsya katulad ng Rizal, Laguna at bulacan ay naapektuhan din. Ipanalangin natin ang pagtigil ng ulan at ang kaligtasan ng sambayanan.
Sa bay, laguna ay may mahigit na 300 dang pamilya at nadadagdan pa na nasa evacuation centers. Ang mga apektadong baranggay ay Sto. Domingo, San Isidro, Maitim, Tagumpay, San Antonio at Dila.

Areas Under State of Calamity
Bataan
Cainta, Rizal
Laguna
Malabon
Pampanga
Valenzuela
Zambales

Share

Comments