Posts

Showing posts with the label baha

Genesis 7

Image
7   1   Sinabi ni Yawe kay Noe: “Puma­­sok ka sa daong, ikaw at ang iyong pamilya, sapagkat ikaw lamang ang nakita kong matuwid sa salin­lahing ito.  2   Magsama ka ng pitong pares mula sa bawat uri ng malilinis na hayop, tig-isang lalaki at babae, at tigdadalawa mula sa bawat uri ng di-malilinis na hayop, tig-isang barako at inahin.  3   Ga­yun­din sa mga ibon sa langit, tigpipitong pares mula sa bawat uri upang magkaroon ng bagong buhay sa daig­dig.  4  Sapagkat sa loob ng pitong araw, apatnapung araw at apat­napung gabi kong pabubuhusin ang ulan sa lupa. Papawiin ko sa balat ng lupa ang lahat ng maybuhay na nilikha ko.” 5  At ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yawe.   6   Anim­naraang taon si Noe nang dumating ang Malaking Baha sa lupa. 7   Kaya pumasok si Noe sa daong, ka­sama ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, ang asa-asawa ng kan­yang mga anak upang maligtas sa tubig ng baha. 8  Pumun...

Genesis 6

Image
Mga anak ng Diyos at mga anak ng tao    6   •  1   Nang magsimulang dumami ang tao sa lupa at nagkaroon sila ng mga anak na babae,  2   napansin ng mga anak na lalaki ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng tao. At kinuha nila bilang asawa ang sinu­mang mapusuan nila.  3   Sinabi ni Yawe: “Hindi habang panahong mananatili ang aking espi­ritu sa tao sapagkat siya nga­yo’y laman na lamang. Hanggang isandaa’t dala­wam­pung taon lamang aabot ang kanyang buhay.”  4  May mga higante sa lupa nang panahong iyon at maging pag­ka­raan noon, nang makipisan ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao at nag­ka­anak sa mga ito. Sila ang mga bayani ng nag­daang panahon, ang mga tanyag na tao. Ang baha •   5   Nakita ni Yawe na labis na ang kala­pas­tanganan ng mga tao sa lupa at wala nang laman ang puso kundi kasamaan sa lahat ng araw.  6   Pinagsisihan ni Yawe kung bakit nilikha pa niya ang tao sa ...

Relief Operation Habagat

Image
Bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga nabahaan, noong Agosto 16, 2012. Nagtungo naman tayo sa Brgy. San Antonio, Bay, Laguna. Pinuntahan mismo natin ang kanilang lugar at nakita natin ang mataas na tubig, kalimitan ay nasa paaralan ng nabanggit na baranggay  sa Elementarya at Sekondaryang baitang.