Sangayon sa Google ang watermark ay antas ng tubig sangayon sa pagsasalin nito sa wikang Filipino. Pero hayaan ninyo na tawagin natin dito na markang tubig. Nagsimula nang lagyan ang mga larawan ng markang tubig na ginawa mula sa escudo o coat of arms ni Padre Jessie Somosierra, Jr.
Hindi rin madali gumawa ng coat of arms, sa iba na natin ipapaliwanag ang mga kahulugan ng mga imahe na nakalagay doon. mahirap din maghananp ng magandang software na siyang mag lalagay ng markang tubig. Ang napili ay ang TSR Watermark Image Software, dahil sa ito ay libre para sa personal na paggamit at pwedeng gamitin ang imahe o teksto para sa pagmamarkang tubig. bilang bahagi ng aking pasasalamat ito ang kawil sa lugar na pwedeng pagdownloadan ng nasabing TSR Watermark Image Software. Mayroon ding iba at kung tutuusin ay marami ang mga software kaya lang mas maganda ito sangayon sa kasalukuyang pangangailangan.
Halimbawa ng imahen na may watermark.
Ang Mahal na birhen ng mga Dukha
Comments
Post a Comment