Exodo 17, 3-7



Aklat ng Exodo 17, 3-7

Noong mga araw na iyon: talagang uhaw na uhaw na ang mga Israelita, kaya sinumbatan nila si Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa uhaw pati mga anak namin at mga hayop?”

Kaya, taimtim na nanalangin si Moises sa Panginoon, “Ano ang gagawin ko sa mga taong ito? Ibig na nila akong batuhin?” Sumagot ang Panginoon, “Magsama ka ng ilang pinuno ng sambahayan ng Israel at mauna kayo sa mga Israelita. Dalhin mo ang iyong tungkod na inihampas mo sa ilog at lumakad na kayo. Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Horeb. Hampasin mo ito at bubuhal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Gayun nga ang ginawa ni Moises; at ito ay nasaksihan ng mga kasama niyang lider ng Israel.

Ang lugar na yaon ay pinangalanan nilang “Masa” at “Meriba” dahil sa doo’y nagtalu-talo ang mga Israelita at sinubok nila ang Panginoon. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan sila ng Panginoon o hindi.

Share

Comments